Chapter 48

539 16 0
                                    

Khiel's POV:

Nandito na kami sa manila pero wala pa kami sa bahay nila sungit.

Naalala ko tuloy nung kami ang isinalang sa muse and escort.

Nakakamiss rin pala pumunta sa bahay nila sungit, kahit isang beses palang ako napunta sa doon. Feel kong welcome nz welcome ako.

Mabait kase ang mama niya, kaya feeling ko belong ako sa bahay nila.

Napatingin naman ako sa katabi ko na kasalukuyang natutulog sa balikat ko.

Her favorite spot, Wala lang napansin ko lang na madalas siyang natutulog sa balikat ko.

"Khiel gisingin mo na yang si Annalyn malapit na tayo sa kanila" siguro si mama lagi to kala tita Anna nung wala pa silang anak parehas.

Ginising ko na si sungit dahil nga malapit na kami sa bahay nila.

Pag kamulat ng mga mata niya ay ang sama ng tingin niya sakin.

Ayaw na ayaw niya talagang ginigising siya, kapag naman hindi rin ginising nagagalit.

Nang huminto na ang van ay kaagad siyang tumungin sa labas at dali daling inislide ang door saka na siya lumabas.

Kaagad agad rin naman siyang sinalubong ni tita Anna.

Wala talaga sa mukha ni tita na anak niya si sungit mabait kase si tita tapos si sungit naman ano pa nga ba?

Bumaba narin naman si mama kaya bumaba narin ako "Stay here kids" Sabi pa ni mama

"Yuuna" sigaw ni tita Anna.

Tiningnan ko naman kung may tao pa maliban samin pero wala naman akong nakita na ibang tao pa.

Nagulat nalang ako ng niyakap ni tita Anna si mama. Teka tama ba ang rinig ko Yuuna ang sinabi niya pero Mylene ang pangalan ni mama

"mommy Yumi" sigaw ng mama ni sungit sabay yakap naman kay lola Mercy na nakasunod rin pala saamin.

Yuuna? Yumi? Hays ang gulo halata naring naguguluhan narin si sungit sa nangyayari "Weird no?" Bulong ko naman sakanya na sinangayunan naman niya ng pag tango.

Annalyn's POV:

"Yuuna" Sigaw ni mama sabay takbo at yakap kay tita Mylene.

Yuuna?

Hindi ko gets, ano bang nangyayari sa mundong to?

"mommy Yumi" sigaw naman ni mama sabay yakap kay lola Mercy.

Yumi?

Kanina Yuuna ngayon naman Yumi. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang tawag ni mama.

"Weird no?" Bulong sakin ni yabang, tinanguan ko nalang siya bilang pag sagot.

"Kamusta kana Aya?" Tanong ni lola kay mama.

Aya?

Teka narinig ko na yan dati, Hindi ko lang alam at kung kelan pero narinig ko na siya before.

"Ok lang ako mommy Yumi" sagot naman ni mama sa tanong ni lola Mercy naguguluhan parin talaga ako. Napatingin naman ako sa direksyon ni yabang maski siya sigurado ako naguguluhan narin.

"Ayyy wait lang pala, Aya may ipapakilala ako sayo, Khiel halika rito" sabi naman ni tita Mylene. Kaagad namang lumapit si yabang kay tita Mylene.

Nako ta kilala na ni mama yan.

"Oh, Hi Khiel, Hindi ko alam na ikaw pala ang kasama ni Lyn-Lyn ko sa baguio" Sabi ni mama, napakamot nalang ng ulo si yabang saka nag mano kay mama

"Ay kilala mo na pala siya?" Tanong naman ni tita kay mama "Nung intramurals kase nila, mag partner sila. Sila yung muse and escort ng team nila non" Pag papaliwanag naman ni mama

"Annalyn Apo, sayang naman at hindi ako nakapag pa picture sayo non, Nandon ako nung araw na yun" Sabi naman ni lola Mercy. Hindi man lanh ako tinawag ni yabang non napaka talaga neto.

"Kilala mo na pala ang boyfriend ng anak mo" sabi ni tita Mylene kay mama na ikinalaki naman ng mata namin ni yabang

"Boyfriend? Anak kayo na? Bakit hindi mo man lang na ikwento saakin. Pero okay lang anak gusto ko naman si Khiel para sayo" Sabi pa ni mama napailing nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Pano bayan, boto sakin mama mo" bulong sakin ni yabang

Hindi ko nalang siya sinagot dahil nag yayabang nanaman ang isang to.

"Tawagin mo na ang mga bata sa van Khiel para makapag pahinga muna tayo saglit" Sabi pa ni tita. Sumama naman ako kay yabang.

"Alam kong naguguluhan ka rin" Sabi ni yabang sakin

Sobrang gulo ng utak ko ngayon, pero Familiar ako sa mga names nila lalo na kay mama, Para kaseng narinig ko na yun before hindi ko lang matandaan kung saan"

"Saka mo na ikwento, kapag na alala mo na." Sabi ni yabang. Tinanguan ko naman siya dahil tama nga. Mahirap mzg kwento ng hindi alam ang buong storya.

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now