chapter 31

643 14 0
                                    

Annalyn's POV:

Nag lilibot kaming dalawa dito sa mall ni Sachi ngayon, Kanina pa nga kami pa ikot ikot dito e ang tagal ng signal ni Yabang well, may big surprise kasi kami kay Sachi.

Kung ano man yun mamaya ko nalang sasabihin basta gusto ko munang ilibot si Sachi ngayon.

Nasa tapat kami ng d.q, (dairy queen) ngayon dahil kakain kami ng ice cream ni Sachi umupo na kami sa isang table dun at umorder na.

Pag ka balik ko meron nakong dalang isang brownie temptation favorite daw kasi yun ni Sachi nakwento sakin ni yabang sakin naman ang inorder kong flavor ng ice cream ay chocolate almond. Kasalukuyan akong sarap na sarap sa pag kain ng mag salita si sachi

"Uhm ate?" Pag basag nya ng katahimikan sa pagitan naming dalawa  "Bakit baby?" Tanong ko naman sakanya. "Mahal mo po ba si kuya khiel ?" Tanong niya kaya nasamid ako.

*cough cough cough*

Ano bang pinag sasabi ng batang to? Anong sasabihin ko? e di ko naman mahal talaga si yabang

Hays bahala na nga.

"Bakit mo naman natanong yan?" Sabi ko sakanya sabay subo ulit ng ice cream

"Kasi po ayoko pong maulit yung dati kay ate Cindy, mahal na mahal niya po yun kaya lang po niloko siya, ayon po kase ang kwento sakin nila mommy"  Sabi niya

Sure bang 7 years old lang ang batang to?

Nginitian ko nalang sya at kumain na ulit kami.

Maya maya pa ay tumatawag na si yabang kaya lumayo muna ko kay Satchi para hindi niya marinig ang pinag uusapan namin ng kuya niya. 

"Sungit paayusan mo na dyan si Satchi pag katapos ay umuwi na kayo dito malapit na mag alastres"  Sabi ni yabang sa kabilang linya.  

"Tss bakit ngayun mo lang sinabi tsk, Alam mo bang matagal mag pa ayos" sagot ko sakanya napaka talaga ng lalaking to akala niya ba instant ang pag papa ayos ha? 

"Wag ka ng mag reklamo sumunod ka nalang" sabi niya sakin saka binabaan ako ng call, lalaking yun talaga yari sakin yun pag uwi ko.

Pag ka balik ko kay Sachi ay niyaya ko siya sa isang salon para kako naka ayos na siya pag uwi namin ng bahay alam niya namang may party pero hindi niya alam na may big surprise kami sakanya.

Nag pa ayos narin ako para hindi rin ako ma bored kakahintay kay Sachi.

Khiel's POV:

Pag katapos kong tawagan si sungit ay sumakay nako sa van kase kanina pa nag hihintay ang driver namin. Susunduin kase namin sila mama sa hotel na tinuluyan nila kahapon. Nag tataka siguro kayo kung bakit sila? Kasi marami sila e kasama kasi ni mama si Syrille ate ni Sachi, saka yung mga friends ni Syrille.  Saka susunduin pa namin si Rhizzy sa bahay nila.

Well si Rhizzy sya yung bestfriend ni Sachi. Nung makarating nako sa hotel na tinuluyan nila ay kaagad ko naman silang nakita sa lobby.

Kaya dali dali akong bumababa, nung nandon nako ay agad kong niyakap si mama 

"I miss you Khiel " sabi ni mama saka ako kiniss sa cheeks "I miss you too ma" sabi ko naman saka ko siya ulit hinug.

Grabe namiss ko siya, ganito rin siguro kami ka close ni mommy kung nabubuhay pa siya.

After ng yakapan session namin ni mama ay ang mga bata naman ang yumakap saakin.

"Kuya Khiel " sigaw ni Syrille isa pa tong makulit e.

"Oh Syrille anlaki mo na parang dati lang buhat pa kita" sabi ko naman saka ko pinat ang ulo niya. "Tara na sa van guys" sabi ko saka ko dinala ang ibang mga gamit nila, lalo na ang iba sa gamit ni mama.

Agad naman kaming dumirecho sa bahay nila Rhizzy. Sure akong matutuwa talaga si Sachi sa surprise namin sakanya. 

"Nak? May girlfriend kana ba?" Tanong ni mama sakin, kaya napalingon ako sa backseat nandito kase ako sa front seat sa tabi ng driver 

 "Opo ma meron na" sagot ko naman saka ako ngumiti. Teka bat ang bilis kong sinagot hindi ko man lang pinag isipan? Saka teka bakit ako nangingiti? "Who's the lucky girl?" Tanong ulit nya. Ipapakilala ko nalang po sainyo mamaya ma" sabi ko. "Make sure that she can pass may standards ha?" sabi pa ni mama "Nako ma, Sila nga ni lola close na close na e, sure naman ako makaka close mo rin yun ma"  sabi ko pa kay mama while smilling. Hindi ko na maiwasang ngumiti kapag siya ang topic. 

Ano nabang nangyayari sakin? Dati naman sobrang inis ako sakanya.

"Oh really? Parang inlove na inlove ka sakanya anak ha?"  sabi ni mama kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko at napa isip.

Do I really inlove with her?

Napailing nalang ako sa naiisip ko, Sobrang ikli palang ng panahon na mag kasama kami ni sungit ng maayos kaya malabong mag ka gusto ako sakanya ng ganon ka bilis. 

Nang makarating kami sa bahay ay kasalukuyang kinakantahan ng Happy Birthday si Sachi, Hahahah ang cute ng pinsan ko sa suot niya para siyang princess sa isang disney, pag ka kita niya samin ay bigla siyang sumigaw "Mommy" sabay takbo sa direksyon namin. 

"I miss you so much my princess" sabi ni mama saka sya lumuhod para maging mag ka level ang height nila ni Sachi saka nya ito inakap. Sakto namang kababa nila Syrille at ang mga kaibigan niya pero hindi pa kasama si Rhizzy. 

"Ateeeeeee" sigaw ni Sachi saka inakap ang mga ito. Huli namang lumabas ng van si Rhizzy "Bestie" pareho nilang sigaw saka nag akapan sila hahah. Halatang miss na miss nila ang isat isa "Tara na at ituloy na natin ang party" sabi ni mama.

Hinanap naman ng mata ko si sungit pero hindi ko siya makita, Nasaan ang isang yun? Bakit wala dito siya dito?

Saan nanaman kayang lupalop nag suot ang masungit na yun.

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now