Chapter 65

501 13 0
                                    

Annalyn's POV: 

 Maaga akong gumayak at maaga rin akong byumahe para hindi kami mag kasabay ni yabang sa pag alis ng bahay.

Ni hindi rin ako nakatulog kagabi gawa ng halik na yun tsk everytime na pipikit kase ako bumabalik sa alaala ko yung nangyari.

Bakit ba ko nag kissed back? Psh! Engot! Nakarating ako ng 5:43am sa school as usual makonti palang ang pumapasok.

Hindi muna ako nag tungo sa room namin bagkus ay dumerecho ako sa room na tambayan namin ni Nath dati.

Gusto ko kaseng matulog at doon lang may magandang tulugan. Buti nalang talaga naka p.e uniform kami ngayon. Komportableng gumalaw galaw. 

 ------ 

 "Lyn gising na, mag se seven na halika na pumasok na tayo" Napamulat ako sa boses na narinig ko pag ka kita ko si Nathaniel ang bumungad saakin tekaaa papaano? Bakit boses ni yabang ang narinig ko kanina

hays hanggang sa panaginip nang gugulo paden siya. 

 "Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya "Tambayan ko rin to Lyn diba?" Sabi niya saakin habang naka ngiti "Eto almusal oh, baka kase hindi kapa kumakain narinig ko kase kanina don sa Khiel at kay Rina na maaga kang umalis ng bahay. E alam kong antukin ka at Hindi ka naman makakatulog ng maayos sa library or canteen, kung sa clinic naman papagalitan ka don ni nurse kaya naisip ko na baka dito ka nag palipas ng antok" Mahabang salaysay nito kaya tinanguan ko nalang siya.

"Is there something wrong Lyn?"

"Ah wala naman antok lang siguro, osya Tara na baka malate pa tayo, thankyou pala sa pa coffee at pancake mo"

 "diba sabi ko sayo mag sisismula nako ulit manligaw, pumayag ka man o hindi. Pinapanindigan ko lang ang salita ko" He said while smiling at me kaya hindi ko napigilan at napangiti narin ako.

"I miss that smile" sabi pa nito kaya naman inirapan ko nalang siya

"Tara na nga" pag aya ko sakanya saka nag pati una sa pag lalakad.

Nag insist pa siya na siya na ang mag bubuhat ng Bag ko pero tinanggihan ko.

 "OH MY GOSH BESTIE! WHERE HAVE YOU BEEN?" Salubong ni Rina sakin nang makita niya kami "Natulog" Tipid kong sagot sakanya

"At teka! Bakit kayo mag kasamang dalawa?" Tanong niya habang pabalik balik ang turo saamin ni Nath.

"I'm courting your bestfriend again Rina" pag papalinawag naman ni Nathaniel na ikinalaki ng mata ng bestfriend ko.

"WHAT? Annalyn are you out of your mind? Tanga kaba? Bakit ka mag papaligaw ulit sa taong dahilan ng pag ka wasak ng puso mo noon?" Galit na sambit nito. 

 "Na explain ko na kay Annalyn ang lahat" Sabi pa ni Nath. "And so? Pwede ba layuan mo ang kaibigan ko kundi masasaktan talaga---" Hindi ko na pinatapos sa pag sasalita si Rina saka na siya hinila papasok ng room

"Annalyn ano! Nahihibang kana ba talaga ha? Baka nakakalimutan mo yung ginawa sayo ng mokong nayun" 

"Bestie kumalma ka okay? Alam ko na ang lahat, saka hindi naman ako pumayag na mag paligaw no, sabi niya kase kahit hindi ako pumayag manliligaw paden siya, makinig ka iku kwento ko sayo habang wala pa si ma'am" Saktong pag katapos ko sa pag ku kwento sakanya ay dumating narin si ma'am

"mygosh bestie all this time ganon pala ang nangyari sakanya tapos ang sama ng tingin natin sakanya" Mahinang bigkas ni Rina

"Nasayang ang panahon at araw na kinaiinisan ko siya" napabuntong hininga nalang siya at parehas na kaming nakinig sa teacher namin. 

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now