Chapter 52

478 12 0
                                    

Annalyn's POV:

Kasalukuyan akong nandito sa likod ng school actually bilang lang ang nakaka punta dito kase masyadong masukal natatakot sila na baka may ahas 

"Hey Annalyn kanina ka pa ba nandito? Sorry ha? Kailangan ko pa kasing mag kunwaring tulog para mapalabas ako e" sabi ni Miguel sabay kamot sa ulo nya.

Well si Miguel matagal ko narin syang kilala simula elementary palang pero netong highschool lang naman kami naging close.

Ahead siya sakin ng 2years sa year level so bale 4th year highschool na siya or should I say grade 10 na, pero same lang kami ng age maaga lang kase siyang nag aral kaya ganon.

Ka close den to ni Rina kase friendly talaga yung bestfriend ko na yun mas madami pa nga siya saking kakilala kesa saakin.

"Tsk grabe ang tagal mo ha" Pag rereklamo ko.

"Bakit naman kase cutting classes ang yaya mo, Annalyn may problema ka no?" Inisnaban ko nalang siya saka nag pa ti una sa pag lalakad.

Dito kase sa masukal na part kami talaga ni Miguel ang naglagay ng mga kalat na to para hindi halatang may daan papuntang labas actually nung first year hindi ko to alam e tas etong isang to inintroduce sakin yung lagusan niya kaya yun pag ayaw kaming palabasin ni manong guard dito kami lumalabas. 

"Ako na muna ang lalabas" sabi ni Miguel na tinanguan ko naman.

Susunod na sana ako sakaya ng may pamilya na boses ang tumawag saakin.

"Sungit"

"Anong ginagawa mo dito yabang?" Irita kong tanong sakanya

"Sama ako sayo" naka pout na sabi

"What for?"

"Para may dahilan ang pag ka guidance ko hehe" sabi niya, kaya inisnaban ko nalang.

"Bahala ka sa buhay mo" sagot ko saka  pumasok na sa lagusan, na kaagad namang sinundan ni yabang.

"Miguel si Khiel, Khiel Si Miguel, bahala na kayong mag kakilanlan diyan" sabi ko saka na nag lakad

Nang makarating kami sa mall ay bumili  muna kami ng mga damit para safe kung may makaka kita man saamin. Mahirap na no baka may maka kita pa saamin.

Nang makatapos na kami sa pag palit ng damit namin ay pumunta na kami sa favorite spot namin dito sa mall ang Timezone. 

"Hey Lyn? Basketball tayo paramihan ulit" Hamon ni Miguel saakin "oo ba" sagot ko naman.

"Magaling din ako dyan" singit naman ni yabang

Nag ka tinginan naman kami ni Miguel dahil sa sinabing yun ni yabang

"Oo naman bro, nakalaban na kita nung intrams" sagot naman ni Miguel sakanya

Bumili na kami ng tokken para makapag simula na sa pag lalaro.

"Oh ano game?" Tanong samin ni Miguel at kumuha na kami ng isang bola. "Sure" sabi ko sabay shoot ko ng bola. "Matalo manlilibre ha?" Pag hahamon naman ni Miguel, as if naman matatalo niya ko no. "Oo ba! Handa mo na pera mo" sagot naman sakanya ni yabang.

Patuloy kami sa pag su- shoot ng bola sa ring, ang saya talagang mag laro nito. Nakakawala ng problema,  Naalala ko tuloy dito kami nagging close ni Miguel

[(Flashback)]:

Shoot lang ako ng shoot ng bola sa ring "Letche. Bwisit nakakainis siya" sabi ko sabay shoot ko ulit. Tsk isa pa tong larong to e. Bakit ba kasi hindi ako marunong nito. "Letchee wala ng matinong lalaki ngayon bwisit manloloko siya" sabi ko sabay hagis ng last ball sa ring pero hindi  parin na shoot.

"Miss. Kung may galit ka sa isang lalaki wag mo namang idamay pati yang bola sa galit mo" suway sakin ng isang lalaki kaya napatingin ako sa likod "Pakealam mo? PARE -PAREHO LANG NAMAN KAYONG MANLOLOKO E" sigaw ko sakanya. 

"Haha Miss isa lang atang lalaki ang nanloko sayo pati yung mga matitino dinadamay mo. Huwag ka namang ganyan oh. Hindi pare pareho ang mga lalaki. Miguel nga pala" sabi nya sabay lahad ng kamay nya sa harapan ko. Nakipag shake hands naman ako sakanya  "I know you, mag ka school mate tayo nung elementary, I'm Annalyn"

 "Ohh nice, Hahaha saka nga pala hindi ganiyan ang pag lalaro ng basketball, Ganto ang tama" sabi niya sabay hulog ng tokken.

Pinanood ko siyang mag laro at oo nga magaling siya ode sya na ang magaling 

"bilis dito ka tuturuan kita" sabi niya , kaya lumapit ako sakanya, kumuha naman siya ng bola kaya nag hulog narin ako ng tokken sa kabila. 

"Dapat pag titira ka na itatapat mo ang bola sa ring dapat tye tyempo ka parang ganto" sabay shoot nya ulit ng bola at pasok nanaman.

"Oh try mo" sabi niya. Kaya naman agad sinunod ko ang sinabi niya, kinabahan pako nung pag tira kasi baka hindi ma shoot pero na shoot dahil sa katuwaan ko nun ay napayakap ako sa kanya. FC lang no 

"Sorry" pag papaumanhin ko 

"Haha okay lang" sabi niya saka siya ngumiti sakin. 

Nag hulog pako ng tokken saka nag shoot ulit ng bola at this time na shoot nanaman. "easy lang, Oh Game paramihan tayo?" Sabi niya "Hahahah osige ba!"

[(End of flashback)]:

"Wooy last 10 seconds nalang, ihanda mo na ang pera mo bro" tumatawang  sabi sakanya ni yabang.

5

4

3

2

Wooooooh hahahahah 110-150-153 ang score namin, si Miguel 110 lang ang score samantalang si Yabang naman ay naka 150 and syempre I'm the winner hehe with the score of 153  

"nice one Lyn Lyn" sabi ni Miguel sabay pat ng ulo ko. Bigla ko namang namiss si Covy siya kase yung madalas tumawag sakin ng Lyn Lyn.

Tinabig naman ni yabang ang kamay ni Miguel na nasa ulo ko

"Ano ba yan napaka seloso" bulong ni Miguel habang tumatawa siya

"Ang galing mo na ah" Papuri naman   saakin ni yabang sabay akbay.
 
"Well siyempre magaling kase ang nag turo sakin e" sabi ko, sabay tingin kay Miguel na kinindatan naman ako

"Tara na at ilibre mo na kami" sabi ko pa at nag lakad na kami palabas ng timezone.

"Tara na at iku kwento mo pa sakin labstori niyo ni Khiel saka kung anong nangyari sainyo ng crush mo" 

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now