13. Plus one, minus one

Start from the beginning
                                    

"Ikaw na lang muna, pupuntahan ko kasi si Harmony." Tumayo ito at mas nauna pa itong umalis sa kanya. He watched him as he leaves the room. Parang naguguluhan siya sa mga nagaganap ngayon. He shook his head. Alam niyang alam ni Calen ang ginagawa nito. Nagpaalam na rin siya kina Lex at Kerky, susunduin niya muna si Aiko sa school bago niya puntahan si Jin Hye para ilabas. Hindi niya pa kasi nasasabi dito na lalabas sila ni Jin Hye, baka kung ano na namang pumasok sa isip nito.

Ayaw niyang nagdududa si Aiko sa kanya, maski ang magselos ito ay hindi niya kayang isipin. Nakakatuwa na nagseselos ito – ibig kasing sabihin noon ay mahal siya nito pero the thought na kasabay ng pagseselos nito ay nasasaktan ito at naiisip nito na hindi na niya ito mahal ay mas doble ang sakit sa kanya.

Nang makababa siya sa parking lot ay natanaw pa niya si Calen na pasakay sa motorbike nito. Nagtataka talaga siya sa ikinikilos nito – nang mga nakaraang araw ay parang ang saya-saya nito na dumarating sap unto na marami na itong nakakalimutan. He just sighed again.

He drove his car and after fifteen minutes ay nakarating na siya sa university kung saan naroon si Aiko. Agad siyang nagpunta sa lugar kung saan palagi siya nitong hinihitay. He was walking aimlessly when he suddenly caught a glimpse of sunshine – Calen's motorbike at nakita niya rin si Calen na kasama si Harmony. Calen was sitting with her sa isa sa mga student's lounge sa waiting area, they were talking. Kunot na kunot ang noo niya.

Ito ba iyong bagay na ipingapalit ni Calen sa pagkakataong makasama si Jin Hye?

"Caleb!" Napalingon siya nang marinig niya ang tinig ni Aiko. She was walking towards him. Tumingkayad ito para hagkan siya sa labi. Automatically, he smiled. Ngayon lang kasi ginawa ni Aiko iyon – sa gitna pa ng university kung saan maraming nakakakita sa kanila – Aiko was never expressive about her feeling kapag nasa labas sila – pero kaga sila lang ang magkasama ay napaka-sweet naman nito.

"Ay may lipstick." Sabi nito sabay pahid sa labi niya. "How was your day?" She asked him. Ipinalupot pa nito ang kamay nito sa braso niya at saka niyakag na siyang maglakad.

"Tiring." He said. "I was with mom the whole morning, inaayos namin iyong gusot sa office." He said. Aiko was intently listening to him. Isa iyon sa mga nagustuhan niya dito – maski walang kinalaman sa personal na buhay nito o sa kanilang dalawa basta siya ang nagsasabi dito, nakikinig ito.

"Ikaw, kamusta ang araw mo?" Tanong niya.

"Ayon, stressful, nakakaloka, nakakapangit buti na lang nandoon si Rafraf, pinapatawa ako." Humagikgik pa ito na para bang naririnig pa rin nito ang kung anumang sinabi ng Rafraf na iyon. Nakadama siya ng inis pero hindi siya kumibo. He just let her talk. Hanggang sa makasakay sila sa sasakyan ay si Rafraf pa rin nito ang topic nila.

"Alam mo iyon, Caleb? He just makes everything so easy. Tapos ang hard pa ng biceps niya."

Unti-unti siyang napatingin dito. Biceps? Napatiim ang mga bagang niya, naikuyom pa niya ang mga palad niya habang nakapatong iyon sa manibela. Kasalukuyang nagsusuot si Aiko ng seatbelt at ngingiti-ngiti pa ito.

"Ay, babe oo nga pala." Sabi nito sa kanya. "Bukas wag mo na akong sunduin, kasi may emersion kami, si Rafael na lang ---"

"Shit!" Napamura siya. Hindi na siya makatiis. Hinarap niya si Aiko.

"Ako ang kasama mo pero lagi na lang iyang Rafael na iyan ang bukambibig mo!" Gigil na gigil siya. Napalunok naman si Aiko. "May pa hard-hard ka pa ng muscles niya sa biceps! Tang ina! May biceps naman ako, hard din ang muscles ko bakit hindi na lang itong akin ang hawakan mo?!"

The oneWhere stories live. Discover now