13. The one that got away

30K 689 109
                                    

“Calen, mukhang blooming ka ha!”

Natawa siya sa komento ni Hanna. It was Tuesday at naisipan ng mga kaibigan niya na mag-dinner sa bahay nila Kerky. Caleb was there, wala nga lang si Aiko, Lex and Keith was there too, even Nathan was there with Ella. Kasalukuyan silang nagde-dessert nang batiin siya ni Hanna.

“Ang ganda ng smile mo. So happy, hindi ka na malungkot.”

Napangiti siya pero nawala ang ngiting iyon nang makita niyang iniirapan siya ni Kerky. Binato niya si Kerky ng butyl ng green peas.

“Anong problema mo, Mowhawk?” He asked.

“Wag mong pansinin iyan, Calen.” Mariing sabi ni Hanna. Nabigla siya nang biglang tumayo si Kerky sa mesa at saka umalis. Sumunod naman si Caleb na sinundan naman ni Lex. Naiwan siya, si Nathan, Ella si Keith at si Hanna sa mesa. Kumunot ang noo niya.

“May meeting ba na hindi ko alam?” He asked Nathan. Nathan shook his head. Tumayo siya para sundan ang mga ito. Inaya niya si Nathan. Natagpuan niya ang mga ito sa garden. Lex was talking to his brither and Kerky. Dinig niya ang boses ng mga ito.

“Putsa ang unfair naman kasi! Nakita ninyo naman si Jin Hye diba?! Patawarin mo ako Caleb pero gago iyang kakambal mo!”

“Kerky, easy.” Lex said. Binalingan ito ni Kerky.

“Tado ka Lex, isa ka pa! Ano ayaw mo na rin kay Jin Hye para kay Calen? Di naman sa sentimental ako pero si Calen ay para kay Jin Hye lang. Sila lang! Ano tatayo na lang tayo dito at hihintayin na ipakilala nI Calen si Harmony na girlfriend niya?”

“Ano bang nangyayari?” He asked. Umalma na siya, pinag-uusapan na ng mga ito si Harmony. Hindi pwedeng hindi niya malaman iyon. Caleb turned to him.

“Kerky is being emotional because we know about your relationship with Harmony.” Malamig na wika ng kapatid niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksyon ni Kerky at ni Caleb – para bang sa hitsura ng mga ito ay may nagawa siyang mali.

“Ano? Suko ka na?” Sabi pa ni Kerky sa kanya. “Putsa Calen, ang gago-gago mo?!” Sigaw nito sa kanya.

“Ano bang problema? Ano ngayon kung girlfriend ko si Harmony?” Tanong niya sa mga ito. Napanganga si Kerky, si Caleb naman ay parang hindi makapaniwala. Nakatitig lang ito sa kanya na para bang iniisip kung anong tumatakbo sa isipan niya.

“Walang patutunguhan ang usapang ito. Mainit lang ang ulo ni Kerky.” Sabi pa ni Lex. Binalingan ni Kerky si Lex at saka itinulak ito.

“Hindi! Kailangan na itong pag-usapan.” Sigaw niya. “Anong problema kung girlfriend ko si Harmony? Bakit? Hindi nab a ako pwedeng sumaya?!” Bahagyang tumaas ang boses niya. Naramdaman niya ang kamay ni Nathan sa braso niya na para bang pinipilit siya nitong pakalmahin.

“Saya?” Ulit pa ni Kerky. “Gusto mong sumaya? Bakit hindi mo puntahan si Jin Hye at sabihin mo sa kanya na IKAW at hindi si CALEB ang hihintay niya! Bok, andyan lang si Jin Hye, huwag mong sabihin na dahil lang sa halik ng babaeng iyon nakalimutan mo na na si Jin Hye ang source ng buhay mo!”

“Hindi sa lahat ng pagkakataon maghihintay ako! Tao lang ako, napapagod din!”

Hindi pa siya nakakahuma ay naramdaman na niya ang kamao ni Caleb sa mukha niya. Napaupo siya sa sobrang lakas ng suntok nito sa kanya. He felt the blood gushing out of his mouth.

“Putang ina!” He heard him say. Kinuwelyuhan siya ng kapatid niya. Mabilis na ang paghinga ni Caleb. Natahimik naman ang lahat. Kerky remained standing near Lex. Nakatingin lang ito sa kanya at sa kakambal niya.

The one in vainWhere stories live. Discover now