16. Dare

30.6K 683 208
                                    

“Calen, bakit hindi kayo nag-uusap ni Caleb? Diba okay na kayo?”

Jin Hye couldn’t help but ask that to Calen. Napansin kasi niya nang nakaraan na nag-iiwasan na naman ang magkapatid. Hindi niya alam kung bakit pero sa tingin niya ay may kinalaman iyon doon sa gabing pumunta siya sa gig ng mga ito para balikan ni Calen.

They were in his room that morning. She had spent the night with him. Miss na miss na kasi niya ito. Sa sobrang tagal niyang wala sa tabi nito parang ayaw na niyang umalis ulit. He was lying beside her, humarap siya dito at saka umunan sa dibdib nito. Calen put his arms around her and she felt him kiss her head.

“Wala, okay lang naman kami.” He said. She played with the hem of his shirt.

“That night….” She said. “He was telling you to let go of me diba? Galit ka ba dahil doon?” Sabi niya. Bumangon siya at tinitigan si Calen sa mukha. Parang may pagtataka sa mga mata nito, kunot na kunot ang noo nito habang titig na titig sa kanya.

“That night?” He sat up too. “Ow yeah… wala lang iyon. It’s just a simple misunderstanding.” Mabilis nitong sagot. Ngumuso siya.

“Pero dapat okay na kayo. Mag-aalala na naman si Mama kapag nalaman niyang nag-away na naman kayong dalawa.” Sabi pa niya dito. Tumango lang si Calen. She was just staring at him. Nitong mga nakaraang araw ay parang laging malalim ang iniisip nito. Hindi naman niya masabi kung ano iyon, maliban kasi sa bigla-bigla na lang itong natatahimik ay wala namang nag-iba dito. He was still her same old Calen. Sweet pa rin naman ito, warm, caring at ramdam niyang mahal na mahal pa rin siya nito. Tama nga ang naaalala niya noon – the intensity of Calen’s love was still there and it has never changed. She smiled.

“Sure.” Nakangiting sabi nito. Muli itong nahiga at kasabay noon ay hinatak siya nito. “Lets’ just stay in bed for the whole day. I missed you.” Sabi nito. Her heart melted – and they did stayed in bed for the whole day. Hawak lang ni Calen ang kamay niya habang nagpapakwento ito sa kanya nang mga bagay na ginawa niya noong bumalik siya sa Korea. Calen was just intently listening, nagsasalita lang ito kapag may tanong ito sa kanya, minsan nagjo-joke pero the whole time nakikinig lang ito sa kanya – and the fact that he was just holding her hand comforts her so much. Habang nagke-kwento ay may bigla siyang naalala.

“Si Danni.” Sabi niya. Kumunot agad ang noon ni Calen.

“What about her?” Bumangon siya at saka himanpas ang balikat nito.

“I remember her being here, naglalaro kayo ng WII.” Humalukipkip siya, tumawa naman nang malakas si Calen.

“Jin Hye, Danni’s married already. You don’t have to act like that.” Humahagikgik ito. Tumingin naman siya dito.

“Pero tinatawag mo pa rin siyang cupcake!”

“That’s the thing na hindi na yata magbabago. She’ll always be my cupcake. Pero magkaibigan na lang kami.”

She was eyeing him. Iniisip niya kung nagsasabi ito nang totoo, at alam niyang he was being true to him pero habang nakatitig siya dito ay naalala naman niya ang babaeng nakita niya sa bahay nito noon – ang babaeng humalik dito na kasama rin ng babaeng sumampal sa kanya sa loob ng coffee shop noong isang araw.

“Si Harmony.” Bigla niyang naiusal. Kitang-kita niyang nag-iba ang expression ng mukha ni Calen. Agad itong tumayo at saka naupo sa couch sa tapat ng kama nito.

“W-what about her?” He looked away.

“Calen, she kissed you. She slept beside you. Ano iyon?” Kinabahan siya. Why was Calen acting like this. He sighed and then he looked at her.

The one in vainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon