9. Those little things

32.1K 702 94
                                    

Jin Hye tucked her hair behind her ear before ringing Calen’s doorbell. May dala siyang cake para dito. She sighed. Hindi niya alam kung bakit siya pumunta kay Calen pero parang mas gusto niya itong makita ngayon kaysa kay Caleb. Tuwing weekened lang siya nakakabalik ng city, every weekdays kasi nasa resort siya nang mga panahong iyon – alam niyang dapat niyang puntahan si Caleb pero mas gusto niya talagang makita si Calen sa ngayon.

Bumukas ang pinto at nakita niya roon si Nancy – ang maid ni Calen.

“Ma’am Jin!” Mukhang tuwang-tuwa ito na makita siya. She smiled.

“Si Calen?” Nakangiting tanong niya.

“Nasa loob, halika, pasok ka!” Halos hatakin siya nito papasok sa loob. She was smiling. Tuloy-tuloy siya sa loob, ngiting-ngiti siya nang makarating naman siya sa living room ni Calen ay na-freeze ang ngiti niya. Naroon nga si Calen, naglalaro ang WII pero may kasama itong babae. They were laughing at mukhang masayang-masaya sila sa nangyayari sa buhay nila. Hindi niya alam kung bakit parang nakakaramdam siya ng selos. Napatiim ang bagang niya.

“Sugaroo, ang daya mo naman!” Sigaw pa ng babae ng matalo ito ni Calen sa laro. Napatingin ito sa direksyon niya. “Ay si Cinderella!” She exclaimed. Calen looked at her.

“Jin… Jin Hye!” Ngumiti si Calen sa kanya pero wala siya sa mood kaya hindi niya binalik ang ngiti nito.

“Dinalan kita ng peanut butter cupcakes.” Naiinis na sabi niya. Nakatitig pa rin siya sa babaeng katabi nito. Nakangiti sa kanya ang babaeng iyon, she felt the sense of familiarity, siguro nakilala na niya ang babae bago siya naaksidente. Kinuha ni Calen ang dala niya at saka inakbayan siya. He was so close, she could almost smell his fresh breath. Bakit ba parang laging bagong ligo si Calen?

“Jin Hye, uhm si Danni, kaibigan ko.” Pakilala ni Calen sa babae. The woman named Danni offered her hand, kinuha niya iyon at saka kinamayan ito. Mabigat ang dugo niya sa babae.

“Nagkakilala na tayo noon, di mo na siguro natatandaan.” Sabi ni Danni.

“Anong ginagawa mo dito?” Hindi niya matiis na tanong. Oo, nagseselos nga yata siya. Ayaw niya na may ibang babaeng nakapaligid kay Calen – lalo na ang babaeng ito.

“We’re just testing Calen’s new game. Ire-release na kasi niya sa market next week, diba Sugaroo?” Sabi nito at ubod ng tamis na ngumiti kay Calen.

“Yes, Cupcake.” Ngumisi si Calen. “Tara kainin natin itong dala ni Jin Hye.”

“Okay! I’ll grab the plates!” Sabi ni Danni. Tumalikod ito at nagpunta sa kusina.

“Thank you sa cupcakes.” Sabi ni Calen sa kanya.

“Mukha namang mas sweet iyong Cupcake mo kesa diyan eh.” Naiinis na sagot niya kay Calen. Tiningnan niya ang mukha nito. Mukang masaya pa ito dahil naiinis siya. He was smiling, his mouth was a bit parted and his eyes were sparkling with so much joy.

“Kamusta ka na? One week kitang di nakita.” Sabi nito sa kanya.

“Busy ako sa resort, we’re renovat----“

“Sugaroooo! Seems like I can’t join you and Jin anymore,” Biglang sumingit ang nakakanis na babaeng iyon.

“Bakit naman?” Lalo siyang nainis na para bang nanghinayang pa si Calen sa sinasabi ni Danni. Nanggigigil na siya!

“Nandyan na iyong Mr. Wrong ko sa labas.” Biglang ngumiti ito nang pagkalawak-lawak. “See you later, Sugaroo!” Sabi nit okay Calen sabay halik sa pisngi. “Bye Jin!”

The one in vainWhere stories live. Discover now