12. The man who loved her

29.9K 620 58
                                    

Wednesday.

Iyon ang napili ni Harmony na Boyfriend day. Kapag naaalala niya ang naging usapan nila ni Calen tungkol sa bagay na iyon ay natatawa siya nang malakas. Minsan kasi ay parang bata ito makipag-usap sa kanya. Calen was very childish – in so many ways, napaka-impatient rin nito – pero kahit ganoon ay napaka-sweet din nito sa kanya, Tuwing kasama niya ito ay hindi pwedeng hindi siya tatawa nang tatawa. She really like the way Calen’s nose wrinkles kapag may hindi ito gusto, tapos kapag inaasar naman siya nito ay palaging may kasamang mischievious grin, ito iyong mga bagay na lalong nagpapahulog sa kanya dito.

“Hoy!”

Tinapik ni Calen ang table niya. Nang araw na iyon ay magkasama sila. Sinundo siya nito sa School niya at pagkatapos ay nagpasama siya dito sa National Library para sa research niya. Sandali lang naman sila doon, pero mukhang hindi mangyayari iyon dahil hindi siya matapos-tapos kasi palagi niya itong tinititigan. Naa-amaze kasi siya sa kulay ng mata nito.

“Boyfie…” Tawag niya dito. Boyfie and Bhe ang tawagan nila. Calen smiled.

“Sus, kinikilig ako.” Sabi nito sabay ngisi. “Pa-kiss nga!” Dumukwang ito para hagkan siya sa pisngi.

“PDA ka!” She hissed at him. Tumawa ito ng malakas. Nanlaki ang mga mata niya. Tinakpan niya ng kamay niya ang bibig nito at saka pinanlakihan ng mata.

“Calen wag kang maingay! Papalabasin nila tayo!” Bulong niya dito. Tinanggal ni Calen ang kamay niya at saka nginisihan siya.

“Kinikilig ka naman.” Tudyo nito. Napapahagikgik na siya pero pinipigilan niya. Para silang mga bata ni Calen na naglalaro sa loob ng library na iyon.

“Shh!”

Natigil sila sa pagkakasatan nang marinig nila ang librarian. Inirapan niya si Calen tapos ay lumipat siya ng upuan pero nang lumipat siya ay lumapit pa rin ito sa kanya.

“Calen, distraction ka, hindi ako makapag-aral.” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. He looked at her tapos ay hinatak siya nito patayo.”Calen saan, ano ba? Hoy!” Bulong niya dito. Dinala siya ni Calen sa pinakadulo at pinakatagong part ng library. Restricted area na nga yata iyon. Luminga-linga pa ito tapos ay ngumisi nang masiguro nitong walang tao.

“Calen?” Tanong niya dito. Ikinulong siya ni Calen sa mga bisig nito, nakalapat ang likod niya sa pader.

“Bhe, natatandaan mo iyong hiningi mo sa aking birthday gift noon?” Sabi nito sa kanya. PInakatitigan siya nito. Kumunot ang noo niya, nag-iisip siya. Ano nga ba iyon? Her eyes widened with awe when she realized what he was talking about.

“Ihhh!” Sabi niya bigla. “Dito talaga?” Calen giggled like a little boy. Hinapit nito ang baywang niya at saka isinubsob ang mukha sa leeg niya.

“Ang bango ng bhebe ko, amoy baby!” Sabi nito sabay nuzzle sa leeg niya. Napahagikgik siya pero unti-unting nawala ang hagikgik niya nang bigla na lang siyang halikan ni Calen sa labi. His kisses were mean and hot. She kissed him back, his hand started roaming around her body and she just let him. Hindi naman ito iyong first making out session niya, but it seems like this making out thingy with Calen was the one that she wanted to remember forever.

“Hmmm.” Calen said while he played with that sensitive part of her nape. Her knees became woobly. She put her arms around his neck.

“Calen…” She moaned. Tumigil ito – natatawa na naman. He looked at her.

“Kanina ka pa tawag nang tawag. Ano bang gusto mo, bhe?” He asked huskily. Napalunok naman siya. Bakit ba ngayon niya lang napansin na ang HOT pala ni Calen kapag ganoon ang tingin?

The one in vainWhere stories live. Discover now