18. Incidents

31.6K 682 197
                                    

“Jin Hye, kamusta ka na?”

Jin Hye smiled when she saw Kerky approaching her. It’s just one of those days na gusto niyang makita si Calen at hindi niya mapigilan ang sarili niyang puntahan ito – kaya ngayon, nasa Revert Records siya. Kahit man lang kasi makausap niya ito sandali – ayos na sa kanya.

Since that night he asked for space, pinipilit niyang ibigay iyon – kahit na ang sakit-sakit para sa kanya. Kahit minsan ay hindi niya naisip na mangyayari iyon sa kanya – sa kanila. Bago ang aksidente ay maayos naman sila. Calen was hers and she was his – walang ibang tao – silang dalawa lang – pero ngayon – even the ten year promise was a blur. Tulad nga ng sinabi niya dito – hindi na ito ang Calen niya.

Her Calen was the sweet, loving kind of man – a little bit impatient, a little bit childish but he was hers and he loved her with all his heart – that was his Calen. Ang Calen ngayon, he’s unsure, reluctant and confused – iyon ang Calen na nakikita niya ngayon. Hindi iyon ang Calen niya. Hindi siya sasaktan kahit kailan ng Calen niya.

“I’m pretty good.” She smiled. “Where is Calen?” She asked Kerky.

“Inside. Okay ka lang? Gusto mo samahan kita?”

“No, okay lang ako.” Sabi niya. Pumasok siya sa loob ng Studio 13 – Pastel’s official studio. Nadtanan niya doon si Keith at si Lex. Caleb was there too. Nginitian niya ang mgha ito. Hinanap ng mga mata niya si Calen and she found him sleeping at a couch. Nilapitan niya ito.

“He’s asleep…” Nanghihinayang na sabi niya. Ang buong akala pa naman niya ay makakausap na niya ito. Gusto na sana niyang linawin ang mga bagay-bagay. They have been at it for a week now and she really wanted to know kung anon a ang desisyon nito. She still wants to be with him – mahal niya si Calen at alam niyang mahal na mahal pa rin siya nito.

Pinanghawakan niya ang sinabi nito sa kanya noon na mahal siya nito kaya ito nanghihingi ng distansya. Ayaw siya nitong masaktan.

“He’s been like that for a week.” Sabi ni Lex sa kanya. Nakadama siya ng pag-aalala. “Wala siyang ginawa kundi matulog. I mean, alam ko naman ang nangyayari pero mas mabuti pa iyong nagwawala siya noon kaysa ganyan siya, tulog nang tulog, walang sinasabi, walang ginagawa, he just sleeps.”

“How was that bad?” Tanong niya kay Lex. Tiningnan niya si Caleb – na lumabas matapos huminga ng malalim. Naiwan siya roon na nakaupo sa tabi ni Calen at hinahaplos ang mukha nito. He looked so – tired kahit na tulog naman ito.

“At least noon,nagwawala siya, alam namin ang tumatakbo sa isip niya. Ngayon, hindi. At nag-aalala na kami sa kanya.”

She sighed. Bigla na namang nag-init ang mga mata niya. Caleb stirred.

“Uhm, Jin dito ka muna. Aalis lang kami nI Keith.” Paalam ni Lex. She looked back at them and smiled. Keith waved her goodbye. Naiwan nga siya doon kasama si Calen na tulog na tulog pa rin. She decided to just stay there and wait for him to wake up. She kept on caressing his face.

Wala na nga ba ang mga araw kung kailan kanya lang ang pagmamahal ni Calen?

“Calen…” Tawag niya dito. Hinaplos-haplos niya ang pisngi nito. Maya-maya ay iminulat na nito ang mga mata nito at saka ngumiti sa kanya. Her heart beat faster. After all these years, ganoon pa rin ang epekto ni Calen sa kanya. She sighed.

“Hi…’ Wika nito habang titig na titig sa kanya.

“I missed you. I hope this doesn’t ruin the distance thingy.” Mahinang sabi niya. To her surprise, Calen pulled her until her head was on his chest. Hinaplos nito ang buhok niya. He made her lie beside him and he kissed her temple.

The one in vainWhere stories live. Discover now