"Psst. Shelbie." Chloe

"Oh?"

"Yung sulat ko."

"Ngek. Anong gagawin ko?"

"Di ba nga pasimpleng ilalagay mo yun sa gamit ni Ethan mamaya?"

"Eh? Di ba di na tayo magsspin the bottle, pano ko yun maibibigay sa kanya?"

"Bastaaaa. Kaya mo na yan. Plssss."

At nagpuppy eyes na naman sya. -.-

"Ok." Mahirap tanggihan ang cute na kaibigan.

"Guysss and gals. Listen." Mika

Tumingin kami sa harap kasi nasa tabi ng driver seat si Mika.

"Bale ganito ang plano ko. Kunin nyo to."

Binigyan nya kami ng sobre na may lamang 100..

"Anong gagawin namin dito?" Inis na tanong ni Axel.

"Ngayon. Pupunta tayo sa supermarket dito sa resort na toh."

"Tapos?"

"Basta..."

(-- binaba na nga sila sa maliit na supermarket at nakabili na sila ng kung anu-anong bagay at pagkain na gusto nila sa halagang 100 pesos. Sumakay ulit sila sa van at dinala sila sa isang tahimik na lugar na merong tatlong kubo.)

"Hoy mika? Ano ba talagang meron dito tsaka para san tong mga binili namin?" Sabi ni Dexter na halata mong medyo pikon na.

"Ilabas nyo ang mga cellphone nyo."

"Bakit?" Chloe

"Basta."

Ewan ko ba pero nawiweirduhan ako kay Mika. 

Nilabas namin ang cp namen at kinuha nya ang mga ito.

"Ok. Ganito ang plano. Mahahati kayo sa tatlong grupo. Dahil 13 tayo lahat at di ako kasali bale 12 na lang kayo. Tig-aapat sa isang kubo."

????

"Teka nga Mika. Para san to?" Tanong ni Axel na makalipas ang ilang taon ay ngayon lang ulit nagsalita.

"Wala lang. Gusto ko lang ng bagong adventure. Gusto kong malaman kung kaya nyong mabuhay sa mga junk foods at kung anu-anong binili nyo."

"Ano namang mapapala namin dito?" Liezel

"Don't cha worry Liezel! May hinanda akong games sa inyo for 2 days kaya sigurado mag-eenjoy kayo."

"Pano kung ayaw namin?" Ako

"Wala na kayong magagawa. Andito na kayo e. Tsaka nasaken ang phone nyo."

13 Steps to HellWhere stories live. Discover now