Step 4.1

480 15 4
                                    

Dedicated sa kanya kasi nakakatuwa ang comments niya at ang ganda ng story niya. Stubborn Hearts .. Basahin niyo rin .. hehe

~~~

Chapter 4: The 13 Hell Steps.

~ Shelbie Nicole Hernandez ~


"Asan na ba yun? Aish. San ko ba yun sinave?" Si Liezel yan, kanina pa nagkakalikot sa laptop niya. Andito nga pala kami sa cafeteria ngayon, lalamon na. Haha

"Ano ba kasing hinahanap mo jan? Huh? Imposible namang thesis yan e first day of school pa lang." Chloe

"Aarrgghh. Yung ano., asan na ba kasi yun?" Liezel

"Ui wait lang ah. Bili muna ko ng kakainin naten ah." Ako

"Sama ko girl. Hayaan na muna naten yan si Liezel magsearch ng kung anuman." Chloe

"Bilhan niyo na lang ako. Strawberry shake and small piece chocolate cake. Eto pera ko oh." Sabay abot ng 500 pesos.

"Tss. Echosera, ginawa pa kaming utusan." Chloe

"Ahaha. Tara na. Pagbigyan na naten si Senyorita. Busy-busyhan eh. Haha" Ako

"Oi di ah. May hinahanap lang talaga ako di --"

"Wushu, wag ka ng mag-explain." Sabi ni Chloe sabay hila saken. Narinig ko namang tumawa na lang si Liezel sa inuupuan niya.

Habang naglalakad kami papunta sa bilihan ay may nahagip ang mata ko. Isang lalaki na nakikipaghalikan.

"Eeew. Gross." Bigla-bigla na lang lumabas sa maganda at mapulang labi ko. *choss*
"Ano yun Shelbie?" Tanong ni Chloe.
"Tingnan mo yun." Sabay nguso dun sa lalaki na nakikipaghalikan. "Wala bang modo ang mga lalaki sa eskwelahan na toh?"
"Huh? Bat mo naman nasabi?"
"Eh kasi kanina yung mayabang na Axel ay may akbay na dalawang babae tapos ngayon naman isang lalaki na may kahalikan dito sa caf. Isn't it gross?"
"Hahahahaha. Ang kulit mo talaga Shelbie. Halatang bago ka lang dito." Napataas ang kilay ko pero nakatingin pa rin ako sa naglalampungan. Haha. What a term.

"Oh ano naman ngayon kung bago lang ako dito."
"Wala lang. Dapat masanay ka na dito sa school na makakakita ka ng ganyan."
"Ngek? Ok."

Napatingin saken yung lalaking nakikipaghalikan tapos kinindatan niya ko.
*goosebumps*
Waaah. Kinilabutan ako dun ah.

Pogi naman si Kuya. Kahawig niya nga si Yoo Seung Ho eh. Ang lakas pa ng appeal niya pero ewan lang kung bakit ako kinilabutan. Haha

"Ohmygosh. Kinindatan niya ko." Narinig kong sigaw ni Chloe.

Aaah. Siya pala yung kinindatan, akala ko ako eh. Haha. Parang saken kasi nakatingin eh.

"OMG. OMG. I'm gonna faint na."
"Huy. Chloe"
"Ouch."

Hinampas ko kasi yung balikat niya, para kasing timang super kinikilig siya tapos nagba blush pa. Haha

"Anyaree sayong bakla ka?" Ako
"Eh kasi nag wink siya saken eh."
"Eh sino ba yung lalaking yun ha?"
"Siya? Siya? Siya ang..."
"Siya ang?"
"Siya ang super duper crush ko dati pa. Si Ethan Anderson.. " Inalog - alog niya ang balikat ko. "Waaaah. I'm so kilig. Kininditan niya ko after long long years. Alam mo bang heartthrob siya dito sa school na toh?"
"Aaaah.. Ganun? Ge. Kaya mo yan."
"Ayt. Grabe ka naman, napakasupportive mo naman. Kiligin ka naman para saken. Hhmmpp." Chloe

Haha. Mejo baliw siya, kelangan pilitin pa kong kiligin. Haha, anyways para di ako magmukhang KJ..
"Aayyyiieee. Kinikilig ako. Haha. Oh yan, ok na ba?" Ako yan
"Haha. Baliw ka talaga. Tara na nga."

Pagkatapos ng napakatagal na pagbili namen ay bumalik na kami sa aming table.
"Ang tagal niyo ah. Gutom na ko." Liezel
"Tsss. Ayan na po senyorita. Pasalamat ka kilig vibes ako dito kaya di kita maaway. Hahahahaha."

13 Steps to HellWhere stories live. Discover now