Step 9

321 14 0
                                    

Step 9

~ I don't need a man. I don't need a man. What?
I don't need a man. I don't need a man. Jinja.
I don't need a man. I don't need a man. Jeongmal. ~

Arggghh. Agad-agad kong kinuha ang phone ko na nagriring. Nung uupo sana ako ay napahawak ako sa ulo ko. Hang over argggghhh.

"Hello? Sino toh?"

"Shelbie. Bruha ka? Asan ka na? Di ka ba papasok sa first subject?"

"M-masakit ang ulo ko e. Tsaka andito lang ako sa *tingin sa paligid* room ko? "

Waaaaaaah. Agad-agad akong bumangon kaso wrong move. Lalong sumakit ang ulo ko. Lecheng Hang over yan.

"OMG. Liezel. Asan ako? Kaninong kwarto to?" Napatingin ako sa sarili ko. "Tsaka b-bakit iba na yung damit ko. Bakit naka t-shirt na panlalaki ako. Waaaaah. Liezel, hindi na ata ako virgin. Huhuhu."

["W-what? Ano? Anong nangyari? May masakit ba sayo?]

"Yung ulo ko, masakit."

["Ha? Ulo lang? Wala na bang ibang masakit?]

"Wala naman."

[Yung kama ba may blood stain?]

Napasilip ako sa kama.

"W-wala naman."

[Eh di virgin ka pa teh.]

"Hay salamat naman. Pero t-teka nga? Kaninong kama toh? Kwarto ng lalaki to ah."

[Aba ewan ko sayo. Sino bang huli mong kasama kagabi?]

"Si A--" pinutol niya yung sasabihin ko.

[Sige na girl. Mamaya ka na lang magkwento. Andito na si prof.]

Tooot toooot tooot..

*pihit ng doorknob*

"Oh. Gising ka na pala."

"Waaaaaah. A-anong ginagawa mo dito? A-anong ginawa m-mo saken?"

"This is my room."

"Room?" Sumilip ako sa bintana.

"P-pero bakit hindi yung kwarto ko yung katapat ng bintana mo?"

"You're on my condo."

"Whaaaaat?" Anudaw? Nasa condo niya ko. Ano ba kasing nangyari? Ang naalala ko lang sumayaw kami sa dance floor tapos nawalan ako ng malay dahil sa kalasingan siguro.

"T-teka? May nangyari ba sa atin? B-bakit iba na yung damit ko? Tsaka bat may condo ka pa e ang laki-laki ng bahay niyo?"

"Chill. Oo condo ko toh. Alam mo na, pag playboy dapat marami kang kuta." Sumandal pa siya sa pinto at nilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya.

"Tsaka walang nangyari satin. Ayoko namang tulog yung ka-anuhan ko. Gusto ko wild."

"Ka-anuhan? Wild? Yuck. Ang pervert mo." Kumuha ako ng unan at ibinato ko sa kanya na ibinato niya naman ulit sakin at binato ko sa kanya at binato niya sakin. Walang kamatayang batuhan.

"Tumigil ka na nga. Lumabas ka na jan para sa breakfast" Tapos lalabas na sana siya pero huminto muna siya at tumingin sakin. "Pero bago ka pumunta sa la mesa, maghilamos ka muna. Hahaha" Sabay turo sa mukha ko.

Nung lumabas na siya narinig ko pa ang mayabang na pagtawa niya.

"Problema nun?" Agad-agad akong pumunta sa tapat ng salamin at..

Waaaaaaah. OMG. OMG. May muta ako atsaka.. Waaaaaaaah. Ayoko sabihin, nakakahiya.

Huhuhu..

Merong color white sa gilid ng labi ko.. Huhu..
Tuyong laway.. Waaaah. Tulo laway pala ko pag tulog..

13 Steps to HellWhere stories live. Discover now