Step 11

358 11 1
                                    

Dedicated sayo JiyeonSuzy .. hahaha .. Ayan na ah .. Pasensya na kung matagal .. Nasira laptop eh . XD --- Salamuch talaga sa pagbabasa ha .. Sa lahat ng readers.. thank you thank you ..

Chapter 11:

Shelbie Nicole Hernandez 

Palabas na kami ng locker room ng makasalubong namin si Ethan. Papunta siya sa locker room.

Tumingin siya kay Chloe tapos kay sakin. Sabay kindat..

Waaaah.. OMG.. Bat nya ko kinindatan? Ay teka. teka..

Nakita ba ni Chloe na kinindatan ako ng labs nya? Halaaaaa.. Baka magselos yun..

"Tara na Shelbie.. Alis na tayo." Chloe sabay hila sakin..

"Ok."

So naglakad na kami palabas ng may tumawag sakin..

"SHELBIEEE.. Teka!"

Huh?

"Oh bakit Ethan?"

Hawak nya yung sulat tsaka yung cake na bigay ni Chloe..

*huff* huff*

"Ikaw ba ang naglalagay ng mga ganito sa locker ko?"
"Huh!?"

Napansin ko sa peripheral vision ko na yumuko si Chloe.. Hinigpitan nya rin ang pagkakahawak nya sa akin..

"Sabi ko, ikaw ba yung laging nag-iiwan ng sulat at mga binake na pagkain sa locker ko."

"NAKU..! HINDI NOH..!" Crinoss ko pa ang mga kamay ko as a sign ng pagtanggi..

"Eh bat ganyan ka magreact?'

Bakit? Anong problema sa reaksyon ko?

"Hehe. Sorry naman.. Hyper lang kasi makakasama ko ang hot devils." 

^__^V

"Aaah.. Masaya din ako na makakasama ka namin."
"Hehe. Thank you."
"Pero sigurado kang hindi ikaw yung naglagay ng mga toh?"

Tinaas pa nya yung sulat at cake..

"Oo naman.. Promise!"
"Ok. Sige, balik na ko dun ah. May kukunin pa ko sa locker ko."
"Sige."
"Kitakits mamaya."
"Ge. Kitakits."
"Bye." Mahinang bulong ni Chloe..

Nung nakaalis na si Ethan ay napaupo si Chloe sa sahig..

"Hala ka Chloe. Bat ka namumutla?"
"Shelbie.. Nanlalambot yung tuhod ko."
"HUH? Gusto mo ng balot?"
"Ano? Balot?"
"Oo. Di ba pampapalakas ng tuhod yun?"
"Baliw."
"Eh nanghihina tuhod mo eh."

Di ba? Ang weird din neto ni Chloe eh.. Kelangan nya lang ng balot..

"What I mean is .. Kinabahan ako bigla."
"Kinabahan?"
"Oo. Kasi muntik na kong mabuking ni Ethan.. Anong dapat kong gawin Shelbie.?"

Ah yun pala yung dahilan, kala ko gusto nya lang ng balot..

"Oo nga eh. Baka nga naghihinala na yun ngayon kasi sabi ko hindi ako yung nagbibigay ng mga yun eh. Tayo lang pa naman yung galing sa locker room."
"Waaaaaah. Paano na?"

Hhhmmm. Ano nga bang magandang gawin ni Chloe? 

"Bat di ka na lang magtapat na ikaw yung nagbibigay." Suggest ko'
"WAG."
"Bakit?"
"Pag nalaman nya, baka magtransfer ulit sya tapos di ko na sya makita kahit kelan."
"At san mo naman napulot yang idea na iyan?"
"Eh kasi .. Waaaah.. Ayoko na. Ayoko na talaga."

Ok. Nag freak out na po si Chloe.. Hayaan na natin sya..

"SHELBIEEEEEEE.."

Narinig ko na naman ang magandang pangalan ko..

"Hoy! Ano ka ba Liezel.. Wag mo kong yakapin.. Nakakadiri.." Paano ba naman kasi, niyakap ako.. Parang 10 years di nagkita eh..

"Hehe. Wala lang masaya lang.. Ow.. Anyare kay Chloe?"

Buti naman at napansin nya si Chloe..

"Naku.. Kinabahan lang yan. Muntik na kasi syang mabuking ni Ethan."
"Mabuking na?"

"Sya na tanungin mo. Tutal friends naman kayo."

Liezel shrugged her shoulders.. "Tumayo ka na nga jan Chloe.. Hinahanap na kayo sa studio, simula na daw ng practice."

Tumayo na si Chloe at naglakad na ulit kami papunta sa studio kasama si Liezel..

"Ay oo nga pala. Shelbie.. Kwento ka naman. Balita ko kasama ka daw sa performance ng hot devils sa School Fest."

"Oo nga eh. Baliw kasi si Axel."

Sinundot nya yung tagiliran ko.. "Ayieeeee naman. Improving.. Bakit? Anyareee?"

"W-wala noh."
"Anong wala? Kwento naman jan."
"Wala nga. Humingi lang yun ng favor.. Alam nya daw kasi na marunong naman akong sumayaw kaya gusto nya kong isali dun sa performance."
"Aaaah.. Ayieee naman.. Ngayong mapapalapit ka sa kanya.. May pag-asang magawa mo na yung 13 Steps to Hell mo." Liezel
"Anong Step na ba ang nagagawa mo?" Singit ni Chloe.

"Hanggang Step 2 pa nga lang eh.! Flirt with him."
"Ngek. Kelan mo balak gawin ang step 3. Yung Be a little mysterious?" Tanong naman ni Liezel sa kabilang side. Mukha tuloy akong timang napatingin tingin sa kabilaang side ko.

"Ewan. Bahala na." Pagkasabi ko nun saktong nasa harap na kami ng pinto kaya nanahimik na kami at pumasok na.

Isang nakakatakot na tingin ang sumalubong sa amin.. 

*goosebumps* 

Anyare kay Axel? Bakit ang sama ng tingin sa akin? Pero sakin nga ba?

Tingin sa mata ni Axel.. At kung iyong papansinin.. Hindi nga sya saken nakatingin .. Kundi kay Liezel..

At si Liezel naman nakayuko.. 

Seriously, anong nangyayari sa dalawang ito?

"Start na tayo, ako na magtitrain sayo babaeng lampa." Maikli pero ma-awtoridad na utos ni Axel.. 

Pero t-teka.. Ano daw ? Babaeng lampa? Ako ba yun?

"Hoy babae. Lumapit ka na dito." Tinuro pa nya ko.. So ibig sabihin ako nga yung babaeng lampa?

Ang kapal nya..
"Hoy-- ah hehe. Ge lalapit na." 

Waaaah.. Nakakatakot si Axel..

NP: 

One on one nga kong tinuruan ni Axel.. Nakakatuwa kasi ang seryoso nya.

Napatingin ako sa mukha nya.. Bakit ganun? Kahit tumutulo yung pawis nya ang pogi pa rin nya? 

Sinundan ng titig ko ang tumutulong pawis nya.. Mula sa noo nya pababa sa makinis nyang pisngi...

Haaay.. Ang pogi nya .. No wonder, girl magnet talaga sya..

"Hoy Shelbie nakikinig ka ba?"
"Huh? Girl magnet."

Napansin kong kumunot ang noo nya at naningkit ang mga mata.

"Nakikinig ka ba sa tinuturo ko?"
"Ah .. O-oo naman."
"Talaga? Sige nga, gawin mo yung tinuro ko."
"A-ano ba yung tinuro mo?"

Napasampal na lang sya sa noo nya at muling itinuro ang steps..

"Ang hirap naman."
"Ganito lang kasi o mali naman yung ginagawa mo eh."

Tapos pinakita nya yung step at ginaya ko.

"Di ganyan."
"Eh pano ba kasi?"

"Hay nako."

Lumapit sya sakin.. Tumingin muna sya sa upuan.. Andun si Chloe at Liezel..

"Ay." Napasigaw ako..

Sobra kasing idinikit ni Axel ang sarili nya saken.. Parang nakuryente ako.

"Relax. Igaguide lang kita para malaman mo yung tamang movement."

"Ah." Ano ba yan ang oa ko.. XD

Hinawakan nya naman ang bewang ko at pinagawa nya yung step habang hawak nya ko.

"Yan tama na yan.." 
"Ganito ba?"
"Oo.. Tama. Good.. Kaya mo naman pala eh."

Ngumiti na lang ako..

"Eto naman yung step para sa kamay." Hinawakan nya naman yung mga kamay ko..

Grabe.. Ang lambot ng kamay nya, nahiya naman ako.

"Hoy! Nakikinig ka ba? Sabi ko i-stretch mo yung kamay mo."

"Ay. Eto na. Eto na."

Sumunod lang ako sa mga tinuturo nya.

***

Fast forward..

Day 5 ng practice..

Sinasayaw ko sa harap nya yung natutunan ko sa loob ng apat na araw. Para malaman nya daw kung kaya ko ng magmemorize ng bagong steps bukod sa una nyang tinuro sakin ..

Kembot. Kembot.
Popped. Popped..
Galaw kamay..

"Faster. Mabilis yung tugtog dapat mabilis ang movement.."

[Aica's note: pag shrek ka iisipin mo parang may ginagawa silang kababalaghan. LOL]

Sumayaw lang ako ng sumayaw at sinakto ko ang timing ng steps sa countings at sa tugtog..

1.2.3.. 1.2.3..

*huff* huff*

1....2..

*huff* huff*

"Sh*t. Shelbie. Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Axel tas lumapit sya saken at hinawakan ako..

Shemay naman oh.. Di na nga ko makahinga dito tapos hinawakan pa nya yung kamay ko. Nakukuryente ako.. Nakunaman. Mamatay ako dito eh.

*huff* huff*

"F*ck.. Inaatake ka ng asthma?"

Nag nod ako.. 

"F*ck. Sh*t. Asan ba dito yung bag mo? Andito yung nebulizer mo?" Natataranta nyang tanong..

Nung nahanap nya naman yung nebulizer ko ay binigay nya ito sa akin at naging ayos na ang pakiramdam ko.

"Thank you ha."
"Para san?"
"Sa pagtulong mo sa akin."
"Wala yun.. Kasalanan ko naman yun. Dapat di na kita sinali dito eh."
"Ha? Naku ok lang."
"Muntik ka ng mapahamak dahil sa mabilis na movement ng steps."

Dugdugdugdug..

Nag-aalala sakin si Axel? 

"Nag-aalala ka ba sakin?"
"Oo."

OMG.. OMG.. Baka naman ---

"Hoy wag kang mag-isip ng kung anu-ano jan. Nag-aalala ko kasi pag napahamak ka e cargo de konsensya pa kita."

Ayt.. Kala ko naman.. Haixt. Bahala na atleast nag-aalala siya.

Nung natapos ang practice ay gabi na.. Kumain lang ako at diretso sa kwarto ko.

Pagkahiga ko ay napatitig ako sa kisame..

Alam nyo ba.. Sa araw-araw na nagpapractice kami sa studio ng sayaw.

Ayaw kong magpaka hipokrita kaya aaminin ko. Unti-unti ko na ring nararamdaman na nagugustuhan ko si Axel..

OO.. Nagugustuhan ko na sya.. Pero secret lang yun ah..

Kinikilig ako sa kanya eh.. Lalo na pag lumalapit sya sa akin ng sobra. Kapag nag-aalala sya saken pag inaatake ako ng hika gaya kanina.. At hindi na rin sya super masungit pero minsan lang talaga sya magsalita ng walang connect sa sayaw.

Gabi-gabi sya nga ang laman ng isip ko bago ako makatulog tulad ngayon. Napapangiti ako at kinikilig.. Excited na rin akong mag-umaga kasi pag nag-umaga na.. Papasok na ko sa University at pag hapon na ay practice na.. Makakasama ko na ulit ang napakagwapong si Axel.. 

Gigising na naman ako bukas na masaya at kakanta na naman ako ng kung anu-anong love songs sa banyo habang naliligo.. Haaaay.. Ewan ko ba..! Nung una di ko naman talaga gusto na mahulog ako sa kanya eh, gusto ko lang magustuhan nya ko para sa nawasak kong ego at pride.. Ewan talaga. Basta na lang nangyari eh.. Nagustuhan ko na lang sya pero di nya naman ako gusto.

Nararamdaman ko kasing meron syang ibang gusto eh.. Kaya isa na lang ang pag-asa ko sa kanya.. Ang 13 Steps to Hell..

Gagawin ko yun para magustuhan nya ko at para magkaroon kami ng happy ending.

*end of Chapter 11*

13 Steps to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon