"Wala! Umalis ka na nga!" ngumiti ito ng nakakaloko.

 "Tell me, you want me to stay?"

Napahawak na lang ako sa ulo ko sa sobrang inis. Bakit ba nakakapag-isip siya ng mga ganitong klaseng bagay? Yung far from reality?

"May practice pa kasi ako eh, next time na lang. Bye!"  kumaway ito at umalis na. GRRR! Hindi ko na kaya ang lalaking ito!

--

"Nagkakausap pa ba kayo ni Renzo?"  hindi ko napigilang itanong kay Kaysha.

"Oo, sa text. Pero madalang na lang. Nandun pa kami sa awkward stage eh."

Tumango lang ako.

"Bakit?"  tanong niya.

"Nakita ko siya kanina sa canteen, parang wala sa sarili. Nasaktan ata talaga sa nangyari sa inyo." honest kong sagot sa kanya.

"Yah, I know at sobrang nahihiya ako sa kanya."

Bigla ko siyang binatukan. "Yan ang sinasabi ko sa'yo eh! Wag kasing padalos-dalos. Kung hindi ikaw ang nasasaktan, ikaw naman ang nakakasakit!"

Binatukan rin niya ako. "E bakit ka nambabatok? Alam ko namang mali ako! Aminado ako roon."  at inayos niya ang nagulo niyang buhok.

Pagkatapos ay lumingon siya sa akin. "Teka nga, pinapagalitan mo ba ako dahil mali ang nagawa ko o dahil nag-aalala ka ngayon kay Renzo dahil sinaktan ko siya?"

"Whaaat?!"  sigaw ko sa kanya. "Why would I care for him!"  nangangalit na sigaw ko sa kanya.

"Yung totoo, Jelynne?"

"Anoo?" paninindak ko sa kanya.

"Okay. Talo na ako."  Finally, she gave up. "Hayaan mo, babawi ako sa kanya."

Naglalakad na kami papuntang gate at nakita naming nakatayo sa labas si Renzo, parang may iniintay.

"Sinabihan mo ba siyang intayin ka niya?"  tanong ko kay Kaysha.

"Ha? Sino?" napalingon siya sa kinaroroonan ni Renzo. "I told you na nasa awkward stage pa kami pagkatapos ay magsasabay pa kaming umuwi?" 

She had a point. Pero sino namang iniintay ni Renzo? Nang malapit na kaming makalabas ay sumakay si Renzo sa tumigil na jeep.

"Maybe he wants to forget that I once rode his car. Hehe." bulong ni Kaysha sa akin. Hindi ko naman maiwasang hindi maawa kay Renzo. He really like my bestfriend that much!

Sumakay naman kami ni Kaysha sa sumunod na jeep katulad ng dati naming ginagawa. Hindi na kami ngayon makakaranas ng sakay sa fully airconditioned na car pauwi sa bahay.

"Ohh, before I forget, bukas na nga pala yung pakikipagkita natin kay Reign!"

"Talaga bang kailangang kasama ako?"

"Of course! I promise him na ipapakilala kita sa kanya."

"Fine! Basta siguraduhin mo lang na hindi ako mao-OP don!"

"Yes Ma'am!"

UnexpectedWhere stories live. Discover now