Georgina and Lander

14.5K 307 21
                                    

LANDER looked at Georgina intently. Napakislot si Georgina nang haplusin ni Lander ang kanyang noo, pisngi, pababa sa kanyang baba. His hot fingertips were making her hot, too. Napatitig siya sa mga mata nito. She suddenly got lost. Lost in his eyes...

"Araw-araw, lalo kang gumaganda sa paningin ko, Georgina. Lalo na kapag namumula ka nang ganyan..." anas nito.

"A-ang akala ko ba, hindi ka nagagandahan sa akin? Now you're eating your words," gagad niya.

"I was just lying that time."

Lalong nag-init ang mukha ni Georgina. Gosh, hindi siya makapaniwalang kinikilig siya! O marahil dahil nalaman niyang hindi pala ito immune sa hitsura niya.

No. Iba ang nararamdaman niya sa pag-amin nito. Natutuwa siya. Like it was the first time that someone complimented her beautiful.

"Naalala mo ba noong sinabi mo na recently lang tayo nagkakilala at nagkausap? You're wrong, baby," he almost whispered.

Kumunot ang noo niya. "What do you mean? M-matagal na ba tayong magkakilala?" Bahagya siyang napasinghap. "Marami kang nalalaman tungkol sa akin. Tell me. Sino ka ba talaga, Lander Lagdameo?"

Kung ganoon, hindi sa DBU sila unang nagkita. Ang nararamdaman niyang weird na koneksiyon dito ay hindi lang pala basta pakiramdam.

He just smiled at her. Mukhang wala itong balak na sagutin ang mga tanong niya. Bagkus ay nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanyang mga mata at labi. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Georgina...





GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Where stories live. Discover now