Chapter 43: Another chance

Magsimula sa umpisa
                                    

Kaya ko naman kalimutan lahat ng ginawa niya, eh. Basta bumalik lang siya ulit sakin. I love her so much that I'll do anything for her.

Hindi na lang muna ako pumasok sa class namin. Tumambay lang ako sa kotse ko pagkatapos naisip ko na kausapin na ulit si Angel. Kailangan kong sabihin sakanya kung ano ba talaga 'yong nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong gumawa ng moves bago pa ako maunahan ng Ashton na 'yon. I need her back, I want her back.

Kumuha ako ng papel at nag-iwan ako ng note duon, "Pwede ba tayong mag-usap? Hinintayin kita sa gym."

Pumunta ako sa locker niya pagkatapos hinulog ko sa loob 'yong note ko. Hindi ako makalapit sakanya dahil palagi niyang kasama si Ashton at Ailee kaya mas magandang iwan ko na lang sa locker niya, at least siya lang 'yong unang makakakita non. Sana pumunta siya.

Naghintay ako sa gym. Nakaupo lang ako don tahimik na naghihitay. Walang tao dito ngayon kaya makakapag-usap kami ng matagal. Gustong gusto na ulit siyang makausap.

Tatlong oras na 'yong nakakalipas at panigurado, tapos na lahat ng class niya. Every after class pumupunta siya ng locker kaya imposible na hindi niya makita 'yong ginawa kong note. Pupunta kaya siya?

Nakaramdam na ako ng matinding gutom pero hindi ako makaalis sa pwesto ko. Natatakot kasi ako na kapag umalis ako dito tska siya dumating at mawala 'yong chance na makausap ko ulit siya. Tiniis ko na lang 'yong gutom ko. Hindi pa din naman ako nawawalan ng pag-asa na darating siya, eh.

Nag hintay pa ako ng isang oras.

Pumasok na sa gym 'yong mga basketball players. Wala na din akong choice kung hindi unalis dito. Siguro hindi na din talaga pupunta si Angel. O baka kasi hindi niya nakita 'yong note sa locker niya. Baka dumiretso na lang siya pauwi. Mas okay siguro kung pumunta na lang ako sakanila.

Kumain ako sandali tapos habang nasa canteen ako nakita ako nila Skie.

"Ganon ganon na lang ba 'yon Caleb? Mag quit ka na lang sa team ng ganon ganon na lang?" Sa tingin pa lang niya gusto na niya akong sapakin pero nakaalalay sa likod niya si Enzo. "T*ngina bro, parang nilaglag mo na din kaming lahat eh. Ano bang nangyayari sayo?"

"I want to win Angel's trust again that's why," There's no point hiding the truth. Well, after all they still deserve an explanation. "I decided to stay away from all of you."

Humigpit 'yong pagkakasara ng kamay ni Skie. The next thing I know, nakahiga na ako sa sahig. Expected ko na naman na sasapakin niya ako, eh. Deserve ko din naman siguro 'yon pero hindi nila maiintindihan kung bakit ko ba talaga 'to ginagawa.

"Dahil lang sa babaeng 'yon, pati kaming mga kaibigan mo tatalikuran mo na? Magkakapatid na turingan natin Caleb! What's wrong with you!" Gusto pa akong sapakin ni Skie pero piniglan lang siya ni Luke. "Mga bro mga kami! Babae lang 'yon!"

Tumayo ako pagkatapos pinunasan ko 'yong dugo sa labi ko. Sabi ko na nga ba eh, hindi talaga nila ako maiintindihan. "Hindi lang basta babae si Angel, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya."

"Caleb, tapos na 'yong plano natin. Ano ka ba? Itigil mo na yan." Singit ni Luke.

"Hindi Luke, hindi na 'to tungkol sa plano. Totoong mahal ko na siya Angel. I love her so much that I can sacrifice everything for her."

"Damn you bro, damn you." Galit na galit na sabi ni Enzo. "Para lang sa babae, tatalikuran mo na kami? I can't believe you."

"Hindi ko na tinatalikuran 'yong pagkakaibigan natin. Gusto ko lang lumayo sa inyo para mapatunayan ko kay Angel na seryoso ako sakanya, na totoo 'tong nararamdaman ko. Sana maintindihan niyo."

"Maintindihan?" Lumapit sakin si Enzo pagkatapos kinuha niya 'yong kwelyo ng damit ko. "Iniintindi kita pero hindi ko kaya, eh. Mas pinili mo siya kaysa sa amin, sa amin na nandito na sayo simula pa lang. Siya, kailan ba siya dumating sa buhay mo? Six months ago? Are you kidding me?"

Hinila ni Skie 'yong kamay ni Enzo. "Hayaan mo na siya, hayaan na natin siya."

"What?" Sabay na sabi ni Enzo at Luke.

"If you want to stay away from us then fine. Frow on, hindi ka na namin tropa. Simula ngayon, hindi na kita kaibigan. Tandaan mo 'yan."

Hindi na nagsalita pa si Skie. Tinalikuran na niya ako at sumunod naman sakanya si Enzo at Luke.

Aaminin ko, masakit marinig 'yong mga sinabi ni Skie. I really don't want to lose then but I don't have any choice now. For me they're my brothers but Angel comes first always. Masakit man, kailangan ko 'tong gawin at kailangan ko na lang sigurong tanggapin na wala na akong babalikan pang nga kaibigan.

Fine, then so be it.

Nag drive na ako papunta kala Angel. Biglang bumubos 'yong ulan pero wala akong pakialam. Kailangan ko na siyang makausap. Habang tumatagal na ganito kaming dalawa, mas lalo akong nasasaktan. I want her back so badly..

Pag park ko sa tapat ng bahay nila, hindi agad ako nakababa dahil ang lakas ng ulan at wala akong dalang payong.

Kinuha ko 'yong phone ko pagkatapos nag text ako sakanya pero nakaka-limang text na ako wala pa din siyang reply. Hindi ko alam kung nagpalit na ba siya ng number kaya tinawagan ko na lang siya. Nag ring siya pero walang sumasagot. Nag text ulit ako sakanya.

Angel, please mag-usap tayo. Nandito ako sa tapat ng bahay niyo. Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap. Please..

Lumabas ako ng kotse ko pagkatapos tumayo ako sa tapat ng gate nila. Wala na akong pakialam kahit na maulanan pa ako. I want to see her. I want to talk to her.

"Angel! Talk to me please!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung naririnig ba niya ako. Kung anong lakas ng boses ko ganon di lakas ng ulan. "Angel, please.. I'm begging you."

Buti na lang umuulan, nasasabayan niya 'yong pagpatak ng mga luha sa mata ko.

"Angel!"

Nanlalamig na ako pero tinitiis ko pa din. Baka lumingon siya sa bintana niya o baka naman lumabas siya para harapin na ako.

"I love you so much.. Angel. Please forgive me."

Ilang minuto na din akong nakatayo sa harap ng bahay nila. Nanlalabo na 'yong mata ko. Nahihilo na ako at parang hindi ko na talaga kaya. Naglakad ako pabalik sa kotse ko. Nanginginig na ako sa lamig. Hinubad ko agad 'yong damit ko para kahit papaano mawala 'yong lamig sa katawan ko.

Kinuha ko 'yong phone ko pagkatapos nag text ako kay Angel, habang nag ta-type ako, hindi ko na napigilan 'yong pag-iyak ko.

Ang bigat bigat ng katawan ko. Sobrang nalalamig ako. Pakiramdam ko mamamatay na ako.

Sumandal ako sandali pero pagkatapos non, umiikot na talaga 'yong paningin ko pagkatapos bigla na lang akong nawalan ng malay..

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon