"Pwede ba Jelynne." nanghihinang sagot naman niya sa akin at dumaretso sa paglalakad.

"Kung hindi mo sasabihin kung anong problema, susugudin ko ang lalaking 'yon!"

"Wala siyang kasalanan, okay?!" sigaw niya sa akin. "I'm just feeling guilty." nalulungkot na sabi nito.

"about what?"

"I just realized that Renzo is not the guy I'm looking for."

"See? Sinabi ko na sa'yong masama ang ugali niya. I saw him --"

"It's not about that!"  sagot niya na hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita. "Hindi ko naman sinasabi na kaya hindi ko siya gusto e dahil masama ang ugali niya."

"Then what?" napataas ang kilay ko.

"Alam ko na kung sino talagang gusto ko."

"At sino naman yan?"

"Si Reign?" parang nagdadalawang isip na tanong niya sa akin.

Biglang napataas ang kilay ko sa narinig. Parang imposible kasi. Akala ko isang matalik na kaibigan at nakakatandang kapatid lang ang turing nya roon.

"Totoo! Ang dami ko nang nakilalang lalake pero wala ni isa sa knila ang katulad ni Reign. Tsaka ko lang narealize na kaya pala walang nagtatagal sa akin dahil hindi sila si Reign. "

Bigla akong nasamid. "Ang Korni na ha."

"Anong korni don?" naiinis na tanong niya. "Palibhasa wala kang puso!"

"Makapagsalita 'to, may puso naman ako no. Pero ang puso ko para lang sa kaibigan at pamilya ko."

Napasinghal siya. "Mas korni ka! Masarap kayang ma-inlove!" at bigla na lang siyang ngumiti.

Natawa naman ako para kasi siyang nababaliw na.

Binato ko siya nang nilusot na papel. "Tumigil ka na nga! Para kang sira!" natatawa ko pang sabi.

"Tingnan natin kung hindi ka din mabaliw kapag na-inlove ka na."

"Excuse me, hindi po ako maiinlove."

"Sabi mo lang yan!" sagot niya sa akin. "But back to the story, ano nang gagawin ko kay Renzo? He's nice. Ayaw ko siyang saktan."  nalulungkot niyang sagot.

"Problema mo na yan! Hindi mo naman pala gusto, inentertain mo pa."

"I'm just taking the posibilities."  sagot niya. 

"Uhmm. Ewan. Hindi ko alam solusyon dyan." at inayos ko na ang gamit ko. Napasarap ang pagtambay namin sa students park. 

UnexpectedWhere stories live. Discover now