Case 10 - Prince and Knight

Start from the beginning
                                    

"AISSHH!!"

"Kiel.."

"A.M. tigilan mo ako! Pumasok ka na sa loob." walang lingon na sabi ko. Boses pa lang kilala ko nang si A.M. ang nagsalita.  Wala akong panahong makipag-away sa kanya para tawagin nya akong 'Sir.'

"Hahanapin mo si Miss Din?"

Noon ko lang sya nilingon.

"Ehem. Sir Kiel, maghintay na lang po tayo sa loob, madami na po kayong inutusan na hanapin sya."

"Bakit isasama mo pa ako? Pumasok kang mag-isa! Hindi pwedeng wala akong ginagawa, paano kung may nangyari nang masama sa kanya?! Hindi ko kayang maupo lang!!"

"Pero Sir K--"

Inisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa at hinawakan sya sa magkabilang balikat.

"Pero hindi ko sya ma-contact! Imposibleng nagtatakbo lang sya palabas. Dahil ang sabi ng mga hotelier, sinadyang putulin ang kable ng kuryente!! Naintindihan mo?!"

Napayuko ako.

"Hindi mo katulad si Dinelle, marami kang kaibigan na maghahanap sa'yo pag nawala ka, pero sa kanya, wala."

Inangat ko ang mukha ko at nakakunot ang noo nya, dun ko lang napansin na mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa magkabilang balikat nya.

Binitawan ko sya.

"Ako lang ang meron sya. Kaya kailangan ko syang hanapin." tinalikuran ko na si A.M.

"Sir Kiel! Ako na lang po ang hahanap sa kanya. Gagawin ko po ang lahat para mahanap sya. Promise!" pumunta si A.M. sa harapan ko at ngumiti pero hindi tulad ng normal na ngiti nya.

Ngayon ko lang nakita ang ganyang ngiti nya.

"Hindi po ako babalik dito nang hindi sya kasama kaya wag na po kayong mag-alala."

Iyon lang at dire-diretso syang lumakad palayo.

Mababasa sya ng ulan tapos ano? Tapos magkakasakit na naman sya at isusugod ko na naman sya sa ospital?

"BALIW KA BA?!!" hinila ko sya pabalik. "Stay out of it! It's none of your damn business!"

"P-Pero kabilin-bilinan po ng Kuya nyo bawal daw po kayong mabasa ng ulan."

"Bakit ka nakikinig sa kanya? Sya ba ang nagpapa-suweldo sa'yo?! Psh!"

May umagos na tubig sa pisngi nya. Nabasa na siguro sya ng ulan bago ko pa sya mahila.

"Get inside before I fired you!"

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]Where stories live. Discover now