"Hindi mo pa ako kilala, Jelynne." mariin na saad niya sa akin. Umirap lang ako at hindi man lang siya nilingon.

"Renzo, hinahanap na tayo sa practice." at umalis na nga ang nilalang na nagngangalang Renzo. Napangiti ako nang mapait. Bakit kasi kailangan pang dumaan sa akin? If he's confident enough, ligawan na niya ang kaibigan at tingnan na lang natin kung papasa siya sa standards ni Kaysha!

 "Ehem." Hindi ko napansin na dumating na pala si Kaysha, nilapag nya sa aming table ang pagkain pagkatapos ay tinitigan niya ako. Isang nakakalokong tingin! Naku ha, I don't like that kind of stare. 

"Mayroon ka bang tinatago sa akin?"  tanong niya sa akin. 

"Kailan pa ako naglihim sa'yo? Ni utot ko nga alam mo!" 

Natawa siya nang wala sa oras pero agad niyang binura ito at bumalik sa pagiging seryoso kuno. Hindi bagay sa kanya ang maging seryoso! Promise! Haha.

"Kanina, may sinusundan ka ng tingin. Ngayon naman, may kausap ka na. Mukhang hindi totoo ang sinabi ni Nora Aunor na walang himala. I think there is really a miracle!!" natatawang saad ni Kaysha.

Binatukan ko siya. As usual. "Aray!" 

"Sapat lang yan sa'yo. Nagma-malfunction yang utak mo!"

"Okay lang naman kasi na umamin na may nagugustuhan ka eh. Matutuwa pa nga ako pag nangyari 'yon. Simula kaya nang maging magkaibigan tayo ay wala man lang akong naririnig sa'yo na nagka-crush ka na."

"Wala naman talaga eh."

"Mukha mo! Lahat kaya may crush!" 

"I am the only exception." sagot ko.

 "Hindi ka normal, Jelynne. Alien ka yata!"

"Kung alien ako, ano ka pa?"

Magsasalita pa sana si Kaysha nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Sino 'to?" tanong niya. Hinablot ko sa kanya ang cellphone at binasa ang text message mula sa kanya. 

/ Can I apply? /  iyon ang laman ng text. Alam kong parehas kami ng iniisip ni Kaysha nang mabasa 'to at hindi ako natutuwa sa ganitong klaseng text.

/ Tigilan mo na ang bestfriend ko. Wala na siyang panahon para mag-entertain pa ng mga suitors./  reply ko sa text.

"Ano na namang sinabi mo, Jelynne!" sigaw niya. Alam kasi niyang nirepyan ko na naman ang manliligaw niya.

"Huwag mong ise-save ang number nyan, Kaysha. Tumigil ka na muna sa pag-eentertain ng manliligaw. Wala ka rin namang mapipili eh."

... at inilapag ko ang cellphone niya sa mesa at nagpatuloy sa pagkain. Ang awkward kapag pinagsasabihan or more like pinagbabawalan about dito, about manliligaw and relationship, kasi wala pa naman akong experience pero I always act like I know everything.

UnexpectedWhere stories live. Discover now