Chapter 30: Truth hurts

4.8K 98 7
                                    

pasenxa na kung matagal akong walang update.. hehehe.. nabusy ako sa school at social life. hahaha... bongga ang author, pinagmamayabang ang social life hahaha.. joke ^__^V Masyadong nagpahappy happy at dahil dun hindi naka update nung saturday.. studious din kasi ako kaya di nakaupdate nung sunday... dahil tapos na ang bonggang exam, updat na uli. hahahha yippieeeee

______________________________________________________________________________

Chapter 30

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.... First time kong makakita ng ganito. At si Jenny pa ang nasa malalang kalagayan. 

"Nick. Si Jenny" sabi ko.

"Nick?" sabi niya..

"Ano?"

"Babe dapat. Tss"

"Ano ka ba? Yan pa ang pinoproblema mo. Fine. Babe. Puntahan natin siya" sabi ko. Kawawa naman talaga si Jenny. Hit and run pa naman yun. Tapos wala pang tumutulong sa kanya. Nakatingin lang yung mga tao.

Linapitan namin siya. Ang totoo niyan, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaaway ko nga siya diba. Parang nahihirapan akong magpakabait si kanya. Ewan ko lang kay Nick. Parang nag-aalala rin siya eh.

Medyo conscious pa si Jenny ngayon. Nakabukas pa rin kasi yung mga mata niya.

"Nick" sabi ni Jenny.

Natatakot ako ngayon. Nang biglang tawagin ni Jenny yung pangalan ni Nick, parang nakaramdam ako ng kaba. Kasi naman diba, parang nararamdaman ko na nang dahil sa amin nangyari ito sa kanya. Parang I feel guilty. Pero I feel na hindi guilt ang nagpapakaba sa akin ngayon.

Nang hawakan ni Jenny ang kamay ni Nick, nakaramdam ako ng sakit. It's not only me who needs Nick. Ngek! Well, ayokong iwan ako ni Nick. Ayoko naman maging selfish kasi alam naman ninyo ang kalagayan ni Jenny. Pero I don't want to be left alone. Hindi naman ako iiwan ni Nick diba? 

You won't leave me, right?

"Nick" sabi ulit ni Jenny. Nanghihina na talaga siya. Pero pinipilit niyang magsalita.

"Wag kang mag-aalala. Papunta na dito ang ambulance. You'll be okay" sabi ni Nick.

Haaay.... Kung wala lang ako dito, parang sila yung magshota. Ano naman ang tawag sa akin dito? Extra lang ako dito. Walang gamit.

"Please don't leave me" sabi ni Jenny.

Nang sinabi niya yun, nalaman ko na kung bakit ako natatakot. Feeling ko mawawala na si Nick sa akin. Maybe he's really not mine to keep. Pero bakit pa siya dumating sa buhay ko.

Siguro hindi talaga siya dumating sa buhay ko. Siguro dumaan lang siya.

Dumating na yung ambulance. Nang linagay si Jenny sa stretcher, hindi parin niya binibitiwan ang kamay ni Nick.

"Nick, don't leave me." sabi ulit ni Jenny.

"Sir, sumama nalang po kayo. Kailangang madala na natin siya agad sa ospital" sabi ng lalaki. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanya. Hehe.

Ano ba yan? Sasakay lang naman siya sa ambulance kasama ni Jenny. Di naman ibig sabihin nun iiwan na niya ako. Pero yun naman kasi yung nararamdaman ko eh. Panu kong ako ang kontrabida? All this time, I thought ako ang bida. Panu kung ako ang epal sa mga buhay nila? Lagi kong iniisip na si Jenny ang epal pero ako pala. Sila naman kasi ang unang nagmahalan.

Eto na naman yang love love na yan. Napapagod na akong isipin yun. Sa simula palang, wala na kaming kasiguraduhan. But we can't be really sure of everything, right?

The Forced Girlfriend(COMPLETE)Where stories live. Discover now