Chapter 11

6.4K 128 4
                                    

VOTE.COMMENT.

haha.. hinihintay ko ang iyong votes.. wahahaha!! ang bait ko noh. haha..

___________________________________________________

Chapter 11

"Ellannah, nandito na tayo"

Nandito na pala kami sa harap ng bahay ko. Lumabas na kami ng sasakyan niya. Tapos inalalayan niya ako papasok ng bahay.

"Fina! Oh my god. What happened?"

Patay! Andito na pala si mommy. Nagulat ata yun kasi kakaiba kasi ang suot ko. Tapos basa pa ang buhok ko. Tapos kasama ko rin pala si Nick.

Tumakbo si mommy palapit sa amin.

"Mom. Si Nick. Boyfriend ko." sabi ko nang makalapit na siya. Wag naman sana siya magalit. 

"Sorry po. Binasa po si Ellannah ng mga babae and I was too late para pigilan ang babaeng yun. And baka lumala pa yung lagnat ni Ellannah. I'm really sorry" sabi ni Nick.

Tumingin ako sa kanya tapos ngumiti siya. Ano ba naman to. Parang ang bait bait na niya tuloy. Di naman kasi halatang mabait siya.

Tapos napansin kong hinahawakan na pala niya ang kamay ko. Kailan pa niya hinahawakan yung kamay ko? Di ko yun napansin ah.

"Hindi naman ikaw ang nagbasa sa kanya diba. Tapos tinulungan mo naman si Fina so it's okay" sabi ni mommy.

Tapos nakangiti pa si mommy ngayon.

"Fina, let's go to your room na. You should rest" sabi ni mommy.

"Bye Nick."sabi ko nalang

NICK'S POV

Umalis na sila Ellannah. Uuwi na sana ako pero napansin kong nandun din pala si Carl tapos si ate Anna. 

Parang ang bakla kaya kung kuya Carl. Ang pangit.

"Parang ok na kayo ni EF. Parang nagkakasundo na kayo." sabi ni Carl.

The Forced Girlfriend(COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora