Chapter 27

4.5K 105 6
                                    

hehehehe.. parang mablis ang previous chapter.. hehe pasenxa.. ^__^V

_________________________________________________________________________

Chapter 27

"Ellannah Fina, close na kayo?" tanong ni Alex nang matapos na siyang tumira sa volleyball. Si Jenny at James ang tinutukoy niya kasi nga diba kausap ko sila.

"Hindi noh. Tara na. Magbihis na tayo" sabi ko at lumapit na ako sa kanya.

"Kumusta na yang mukha mo?" tanong ni Alex.

"Masakit nga eh. Volleyball yun tapos spike pa. Tss." sabi ko habang hinahawakang ang left cheek ko.

"Dapat pinagalitan yung Jenny na yun." sabi ni Alex.

"Haynaku. Yung babaeng yan. May future maging kontrabida. Di ko nga alam kung tao pa ang matatawag ko sa kanya"

"Bakit? Parang ang laki laki ata ng ginawa niya.. Meron ba siayang ibang sinabi sa yo?" sabi ni Alex.

So kinuwento ko yung narinig ko kanina kay Alex.

"As in ginawa niya talaga yun? Akala ko mang-aagaw si Jason. Yun pala, si Jenny yung nagpaagaw. Kaya pala naging sila agad nang mag-away siya at si Nick"

"Tss. Ang sama sama niya"

"Ikaw ah. Wag mo yan gawin kay Nick. Pag ayaw mo na sa kanya, wag kang gagamit ng ibang lalaki." sabi ni Alex.

"Siya lang naman ata ang aayaw sa akin" sabi ko.

"Ngek. Bakit yan sagot mo? Bakit siya ang aayaw sa yo? Bakit parang depressed ka? At kumusta naman ang lagi mong sinasabing 'my love doesn't last forever'? Hindi ko nga alam kung love mo siya." sabi ni Alex.

"Alex naman eh. Mahal ko siya. Ngek. Parang ang pangit pakinggan. But it's true. Waaaah. Iiyak nalang ako" sabi ko.

"Ano?! As in love mo si Nick? Bakit ka iiyak? Nagmahal ka lang iiyak ka na."

I just hugged my bestfriend.

"Hoy. Bakit parang problema sa yo ang magmahal?"

"Kasi nga eh. Naging kami kasi di niya ako mahal. Naging kami kasi baka nabored lang siya nung araw na sinagot ko 'daw' siya. Tss. Tapos andito pa si Jenny na kahit ubod ng sama, minahal si Nick. Ibig sabihin, true love yun."

"Ano ka ba? Sabi ni Nick, he's serious diba? Hindi ka lang niya pinaglalaruan. Ikaw na babae ka. Masyado mong iniisip ang past. Ang present ang dapat binibigyan mo ng pansin."

"Alex!! Help me!! Panu na ako"

 Nagbihis na rin kami ni Alex. Ang sakit pa rin talaga ng mukha ko. 

"Alex, masakit pa rin talaga ang mukha ko T.T " sabi ko.

"Hala! Ellannah Fina! Namumula naman yang left cheek mo"

"Kaya nga. Waaaaah! Alex, panu na to?"

"Yang Jenny talaga. Tss. Ano ba ang pwede nating gawin para tumino ang isip ng babaeng yan?" sabi niya

"Ewan ko lang kung magbabago pa yan"

Pagkatapos ng pe, english na. Pinauwi kami ng maaga ngayon ng teacher namin sa English so pumunta na kami ni Alex sa parking lot. Pupunta daw muna siya sa bahay namin.

Habang naglalakad papunta sa parking lot, nakasalubong namin si ate Diana at ate AB.

"Hi mga ate. Haha!" sabi ni Alex.

"Hi! Fina! What happened to your face?" tanong ni ate Diana.

"EF! OMG! Ano yan?! Bakit parang mapula na something yang mukha mo?" tanong ni ate AB.

The Forced Girlfriend(COMPLETE)Where stories live. Discover now