Chapter 15: ang inggitera.. galit ako sa kanya >=[

5.7K 113 5
                                    

<----------- ivote niyo ang minamahal kong story.. hehe

mwah mwah

salamat sa inyong lahat!!!

____________________________________________________________________________

Chapter 15

Natapos na yung klase namin at kasama ko na naman si Alex ngayon. Sabay kasi kaming uuwi ngayon. Paglabas namin ng school, nakita ko si Nick na nakatayo sa may car niya.

"Bigla ka diyang nakangiti." sabi ni Alex.

"Ano?"

"Ang ibig kong sabihin, nakita mo lang si Nick, ngumingiti ka na."

"Hindi ah! Kanina pa ako nakangiti noh!" sabi ko.

"Che! Buong araw kang nakasimangot. Ni hindi nga kita makausap. Ano ba ang nangyari?"

"Basta. May bad guy lang talaga. Nakakainis"

"Sige. Mauuna na ako. Punta ka nalang sa papa Nick mo. Hindi ko gustong ipagkait ang iyong kasiyahan. Haha!"

"Papa Nick ka diyan. Kung tawagan ko kaya si Drew. Para may kasabay ka nalang sa pag-uwi." 

"Wag! Wag na wag mo yang gagawin. Tama na ang ginawa mo sa akin kahapon. Bye Ella Fina! Alam kong siya lang ang makakapagpasaya sa yo. Hahaha!" 

At tumakbo na siya palayo. Ganyan ba talaga siya katakot sa mga crush niya? At makakapagpasaya daw?! Loka-loka talaga yang kaibigan ko.

Lumapit na ako kay Nick. Wala na akong magagawa. Iniwan na ako ni Alex. Psh!

"Bakit?" tanong ko.

"Wag ka na ngang magtatanong kung bakit ako nandito. Nandito ako kasi siyempre, gusto kitang makita. Pwede ka namang mag-acting na excited ka ding makita ako."

"Ang sungit mo ngayon ah. Ano ba ang nangyari sa yo?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin ng diretso.Tinitigan niya ako nang napakatagal. Mukhang malungkot talaga siya ngayon. Nakikita ko kasi yun sa mga mata niya. Ano ba yung nangyari? At bigla siyang nagsasalita.

"Ayaw mo ba sa akin dahil ginawa kitang girlfriend ko kahit hindi mo gusto? Dahil ba kasi akala mong pinaglalaruan lang kita? Dahil ba kasi sabi nila player ako?"

"Ano ba talaga ang nangyari? Bakit mo yan tinatanong?"

"Oo. Inaamin kong player nga ako. Pero nagseseryoso din naman ako. Maniwala ka naman sa akin. Wag sa Jason na yun." sabi niya.

Kaya pala. Dahil na naman kay Jason. Kinausap din ata siya ng masamang lalaking yun. Masyado talaga siyang na apektado ng kung ano man ang sinabi ni Jason. Noon, ayaw ko talaga sa kanya.. Kumukulo pa nga ang dugo ko sa kanya noon... Minsan nga may usok nang lumalabas sa tenga ko.. Pero bigla nalang talaga nagbago ang lahat. At hindi ko alam kung paano at bakit!!!!! Ano ba ang nagawa ng lalaking to sa akin? Ewan.. Basta.. Marami ba siyang nagawa? Medyo... Basta nakalimutan ko..  Pero nagbago nalang talaga ang lahat. Parang nasasanay na ako sa presence niya.. At mabait naman talaga siya sa akin... So dapat alalahanin ng mga lalaki.. pilitin niyo nalang akong maging shota niyo.. siguradong magiging madali nalang ang lahat. di niyo na kailang magpakahirap sa panliligaw... Pero depende lang naman ata yun.. Iba lang ata si Nick.. Bahala na. Sinuwerte lang siya kasi naging ganito ang relationship namin..

Malungkot talaga siya.. Oo.. kanina ko pa nga sinasabi sa inyo... Makulit na ba ako.. Di ko kasi alam kung anong gagawin ko.. Matutulungan niyo ba ako...

"Hindi ka makasagot.. Siguro totoo yung sinasabi niya" sabi niya tapos tumalikod siya sa akin... Naglalakad palayo sa akin...

Hinabol ko siya... kahit na hindi naman talaga siya malayo, tumakbo pa rin ako..  Tama ba tong gagawin ko. God! Help me! Pero he looks so sad... He thinks na hate ko talaga siya.. I don't hate him naman.... Yan naman ang totoo

The Forced Girlfriend(COMPLETE)Where stories live. Discover now