Chapter 17: I really want to know you more

5.6K 106 6
                                    

Chapter 17

3 days later

Sleepover si Alex sa amin ngayon. So movie marathon lang kami. Kain ng kain ng favorite naming ice cream at kwentuhan.

Nang mga 1am na, nagdesisyon kaming matulog na. Friday naman ngayon so okay lang kung late matutulog.

Nakahiga na kaming dalawa sa bed ko.

"Alex, possible ba na yung ex mo magselos kasi may bago ka na?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman"

"Bakit?"

"Kasi mahal pa ng ex na yun ang ex niya na shota mo na ngayon? Bakit mo natanong?"

"Kasi yung ex ni Nick. She's acting like she's jealous"

"Sus, sa dami ng ex ni Nick. Wag kang mangamba. Hindi niya yun sila sineryoso." sabi niya. 

"Eh hindi siya simpleng ex lang. Ex siya na minahal ni Nick. Nagmamahal din pal ang lalaking yun. hehe"

"OH MY GOD! Ellannah Fina! Don't tell me na si Jenny yang tinutukoy mo!" biglang sabi ni Alex.

"Oo. Siya nga. Sikat ba siya kaya kilala mo?"

"Epic yang love story nila ni Nick. Bilib na bilib nga yung mga tao sa kanila!"

"Bakit? Alam mo ba ang story nila?"

"Oo. Kinuwento sa akin ng kapatid ko noon. Pero hindi lang ako nakinig ng mabuti sa story na yun kasi hindi ko naman kilala si Nick noon. Pero nang makilala ko si Nick, lalo na nung naging boyfriend mo siya, nagkaroon na ng sense ang story na yun sa akin."

"Ano ba ang nangyari sa kanila?" tanong ko.

"Cliche na siya kung tutuusin pero Jenny taught the playboy how to love" sabi ni Alex.

"Talaga?"

"Oo, kaya sikat na sikat talaga sila noon"

"Bakit sila naghiwalay?"

"Hindi lang talaga masyadong clear pero nagcheat daw si Nick. Pero nag public apology daw si Nick at pinatunayang he never cheated. Mukha pa ngang sincere si Nick nun sabi ng kapatid ko pero wala pa rin. At nagulat nalang ang lahat dahil yung half brother ni Nick ang naging boyfriend niya the next day" 

"What?! Half brother?"

"Oo. Di ko lang alam kung sa father or mother. Sige. Matutulog na ako."

What the hell?! Half brother?! Mag half brother sila at hindi ko yun alam?!

Ang epic love story daw nila came to an end tapos napunta si Jenny sa half brother ni Nick?!

Oh my effin' goodness!

Bakit di yun sinabi sa akin ni Nick?

Eh hindi ko naman tinatanong. Kasi naman, I never expected na ang connection nila ay hindi something big as half brothers.

"Ella Fina" sabi ni Alex.

"Akala ko matutulog ka na"

"Wag mong sabihin kay Nick na ako nagkwento sa yo. Or kunwari di mo pa alam. Lalabas akong chismosa. Hehe. Goodnight."

"Ok. Good night"

Next time ko nalang proproblemahin yun. For now, matutulog muna ako. Inaantok na kasi ako.

************

*brrrrb* *brrrrrb* *brrrrb* *brrrrrb*

cellphone ko yan na nagva-vibrtate. May tumatawag sa akin.

The Forced Girlfriend(COMPLETE)Where stories live. Discover now