Chapter 10: Pero I think, panahon na talaga na magpakabait.. haha

5.8K 125 12
                                    

Chapter 10

NICK'S POV

Naghahanda na ako para sa game namin mamaya. Marami na rin ang tao dito sa gym. Sikat kasi kami. Haha! Magaling kasi ako... Hahaha! Kaya nga nainlab sa akin si Ellannah. Haha! ^__^

^__^ ==> -__-

Tss. Lagi nga siyang galit. Walang araw na hindi nagsusungit. Tss.

Pupunta rin pa la siya ngayon dito. Ewan ko lang kung pupunta yun dito nang hindi ko susunduin. Kasi naman, ang babaeng yun, kung may pagkakataon, lalayo talaga yun sa akin. 

Naging mag shota pa kami kung ayaw namin sa isa't isa.

Teka... Siya lang naman ang ayaw sa akin... Well, nung una, wala talaga akong masyadong pakialam sa babaeng yun. Basta nangyari na lang ang mga nangyari. Naisip ko lang gawin ang mga ginawa ko... Wala kasi akong magawa noon... Pero ngayon, ok na... Kahit palaging masungit... At least may ako nagagawa araw-araw... 

Yung ibang babae kasi, walang kachallenge challenge... Masyadong mabait... Handang ibigay ang lahat... Hahaha! Pero good boy to... Wala pa akong nagawang matindi. Hahaha!:DDD

"Nick" sabi ng babae... Nagwawarm up ako ngayon tapos ginugulo pa ako ng babaeng to.

"Anong kailangan mo?"

"May bago ka na naman ngayon" sabi niya

"Tss. Ilang beses na akong nagkaroon ng bago pagkatapos mo. Ngayon mo lang ata ako sinabihan niyan"

Ang totoo niyan, si Jenny ang kausap ko ngayon.

It's really hard to think na minahal ko ang babaeng to..

Tae. Nagmahal pa la ako. Ang pangit pakinggan...

Hindi dapat minamahal ang babaeng to...

Mukha na ba akong masama?

Ano naman ang magagawa ko...

Nakakainis ang ginawa niya dati.... Masyado naman akong nagpauto. Akala ko naman kasi mahal niya ako. Kasi naman diba kung mahal niya ako, di niya ako iiwan ng basta basta.

The Forced Girlfriend(COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang