Kabanata Onse

175 25 1
                                    

NAKAKABINGING KATAHIMIKAN ang maririnig pagkatapos bitiwan ni Xerxes ang mga salita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAKAKABINGING KATAHIMIKAN ang maririnig pagkatapos bitiwan ni Xerxes ang mga salita. Bakas ang takot sa mga mukha ng mga kawal at pati si Kira ay napatulala.

Akala niya ay ang mga higante na ng Oun ang makakapag-paramdam sa kaniya ng takot, ngunit noong narinig niya ang malamig at ma-awtoridad na boses ni Xerxes ay tila nagsitayuan ang kaniyang balahibo. Puno ng awtoridad na halos maihahambing sa boses ng isang hari.

Tahimik na tahimik ang paligid at kahit ang mga halaman at ang hangin ay nanahimik dahil na rin sa boses ni Xerxes. Pati ang mga paminsan-minsang mga boses ng mga nahihirapang nilalang ay nagsitigil at ang mga larawan sa mga puno ay tila tumigil na rin sa mga pinapakita.

At kilala niya ang heneral na isa sa mga nilalang na gusto niyang paslangin.

Tiningnan niya ang kasama.

Sino ka ba talaga, Xerxes?

Itinaas ni Xerxes ang hintuturo sa may bibig at ngumisi. "S-Sino ka? B-Bakit mo ako kilala?" Nanginginig ang boses ng heneral at hindi alam ni Kira kung tatawa ba siya dahil mukhang basang tuta ang heneral o matatakot sa kasama na nagawang takutin ang lahat gamit ang kaniyang boses.

Hindi sumagot si Xerxes bagkus ay biglang lumabas ang mga matitinik na halaman sa paanan ng mga nagbabantay sa heneral. Mga tinik na kasing talim ng kutsilyo na noong gumapos ito sa apat na kawal ay agad nahiwa at naputol ang mga laman nito gaya ng bagong katay na karne.

Hindi na nakadaing ang mga kawawang kawal dahil nalagutan agad sila ng hininga.

Ngumisi ang kasama pagkatapos ay nawala ang halaman. Lumunok ng laway ang dalaga sa nakita. Kayang-kayang paslangin ng binata ang heneral ngunit binubuhay pa nito ang heneral para sa kaniya-para siya ang pumaslang sa heneral gaya ng kaniyang nais, hindi ang binata.

Hindi niya alam kung magpapasalamat siya o matatakot-na napakalakas ng lalaking nagmamay-ari ng kaniyang kaluluwa.

"Wala ka nang pakialam, doon," nakangising ani ng binata.

"T-Tampasalan! Pakawalan ang mga higante!" Nanginginig na wika ng heneral at halos isiksik na ang sarili sa loob ng kalesa na hindi umaandar dahil patay na ang kabayo.

Dumagundong ang tunog ng drum na halatang sintunado dahil sa takot ng kawal na nagpapatunog dito. Inalis ang mga kadena ng mga higante at agad na umatungal ang mga ito na nagpayanig sa lupa.

Alchemic Chaos: Fate (Vol 1 & 2)Where stories live. Discover now