Kabanata beinte tres

55 8 0
                                    

"AKALA mo ba matatalo mo ako,  mahal? " malambing na sabi ni Tsukino sa kaniyang tainga habang walang kahirap-hirap na napigilan ang kaniyang kamao na pinalilibutan ng itim na apoy

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

"AKALA mo ba matatalo mo ako,  mahal? " malambing na sabi ni Tsukino sa kaniyang tainga habang walang kahirap-hirap na napigilan ang kaniyang kamao na pinalilibutan ng itim na apoy.

Pula pa rin ang mukha nito dahil sa lakas ng sampal na kaniyang ginawa pati ang pagdurugo at pamamaga ng leeg nito dahil sa kaniyang pagsakal ay kita pa rin.

"Kamahalan!  Mag-ingat ka! " Rinig niyang sigaw ni Vien habang ito'y nakikipaglaban sa mga dheyati.

Nanginginig ang kaniyang kamao habang pilit na kumakawala sa hawak ni Tsukino.  Nangagalaiti rin sa galit ang kaniyang puso at pinipigilan niya lamang ang kaniyang sarili upang hindi madala sa tawag ng sumpa ng kaniyang pagkatao.

"Hibang ka,  Tsukino!  Isa ka ring traydor! " gamit ang kaniyang buong lakas,  gamit ang kaniyang isang kamao ay sinuntok ang sikmura ni Tsukino kung kaya't ito'y napa-atras.

Maluha-luha siyang tinitigan ni Tsukino habang sapo-sapo ang tiyan.  "W-Wala ka ba talagang pagmamahal para sa ating anak at handa mo siyang saktan? " Tumalim ang mga mata nito at itinapat ang madugong espada kay Ringo.

"Pagmamahal?  Pagmamahal?  At talagang nanggaling talaga sa iyo,  Tsukino?  Ikaw na masama ang budhi. . ." Tumawa si Ringo at napapalakpak.  "Wala akong anak,  lalo na't mula sa iyo.  Isa kang sinungaling!  Ang tanging mahal ko ay si  Kira at hindi ikaw—" Narinig ang malakas na sigaw ni Tsukino at ang paglabas ng pulang apoy sa kaniyang katawan.

"Kira!  Kira!  Lagi na lang Kira!  Minahal naman kita higit kay Kira. . ." Bumuhos ang luha sa mga mata ni Tsukino.  "Pero bakit hindi mo ako kayang mahalin?! " Nabalutan ng apoy ang espada nito at nagsimulang atakihin si Ringo na hindi naka-iwas at nadaplisan ang braso.

Napangiwi si Ringo at napaatras.  "H-Hindi napipilit ang puso,  Tsukino.  Bakit hindi mo kayang tanggapin iyon? " Hindi napigilan ni Ringo ang paglabas ng kaniyang pangil at ang kagustuhang paslangin ang babaeng nasa kaniyang harapan. 

Kinagat niya ang kaniyang hinlalaki at nagsimulang lumabas ang itim na usok mula sa kaniyang katawan. Naramdaman niya ang pagtalim ng kaniyang mga kuko at ang sakit na tila sinusunog siya ng mga iskriptong nakaukit sa kaniyang balat, nagpatuloy ito hanggang sa lumiyab ang kaniyang kamay at mag-porma itong bilang isang Quarterstaff na pinalilibutan ng kaniyang kapangyarihan at may tinik na gawa sa pilak sa magkabilang dulo. Lumiliwanag mula sa katawan ng sandata ang sinaunang iskripto na,  "Et aqito selè viaphur" na ang ibig sabihin ay,  "Ang bampira na siyang tutupok sa lahat. " Hingal na hingal niya itong itinutok niya ito kay Tsukino. 

Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi ng hangal na babae.  "Magaling! Kaya mong tawagin ang iyong sinumpang armas,  ngunit magagamit mo ba ito, mahal? " Kinagat ni Ringo ang pang-ibabang labi sa inis ngunit pagkaraa'y ngumisi rin,  at gamit ang kaniyang kakayahan bilang bampira'y mabilis na gumalaw upang idaluhong ang kaniyang sandata upang atakihin si Tsukino.

Alchemic Chaos: Fate (Vol 1 & 2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat