Kabanata Siete

205 39 17
                                    

[REVISED]

-

SAMANTALA SA TITANIA kakatapos lang idinaos ang kasal ni prinsipe Ringo at ni Tsukino at ngayon ay isasagawa naman ang kanilang koronasyon bilang bagong emperador at emperatriss ng Titania

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

SAMANTALA SA TITANIA kakatapos lang idinaos ang kasal ni prinsipe Ringo at ni Tsukino at ngayon ay isasagawa naman ang kanilang koronasyon bilang bagong emperador at emperatriss ng Titania. Makulay ang paligid at makikita ang karangyaan, mula sa mga mamahaling dekorasyon, mga  bulaklak isama pa ang makukulay na mga kasuotan na suot-suot ng mga taong imbitado sa marangyang selebrasyon sa Titania.

Hindi maalis sa kanilang mga bibig ang ngiti habang pinagmamasdan ang prinsipe, ang kaniyang asawa, at ang duke na hawak-hawak ang papel ng proklamasyon at sa kaniyang tabi ay dalawang diyadema na korona ng emperador at ng emperatriss.

Sa kabila ng kasiyahan ng mga tao ay hindi maipinta ang mukha ng prinsipe dahil hindi siya masaya sa mga nangyayari.

Hindi siya masaya na ikinasal siya sa babaeng hindi niya mahal at hindi siya masaya sa katotohanang mali ang desisyon na ginawa niya—na naniwala siyang kayang patayin ni Kira ang buhong na ama o ang pagplanuhang patayin siya at mali siyan hindi man lang siya nag-imbestiga, mali na pumayag siyang magpakasal kay Tsukino, mali na sinaktan niya si Kira at hinayang makulong at madala sa bundok ng paghihirap na baka sa araw at oras na ito patay na ang kaniyang tunay na minamahal.

Patay na si Kira. Patay na ang babaeng naglalaman ng kaniyang puso.

Nagsisisi siya na hindi niya nagawang iligtas si Kira, na sana noong pinigilan niya ang heneral na gahasain ito ay sana pinigilan na rin niya ang pagpapadala sa dalaga sa bundok ng paghihirap.

Binibiyak ang kaniyang puso sa tuwing naalala niya ang pagmamakaawa nito at ang sakit na gumuhit sa mukha ng dalaga noong binitiwan niya ang huling salita bago ito ipadala sa bundok.

Napakawalang kwenta niya.

Unti-unti niyang naramdaman ang pagtulo nang saganang luha mula sa kaniyang mata at ang pagkirot ng kaniyang puso.

"Masaya ka ba kaya naiiyak ka na kasal na tayo, mahal ko?" matamis na ani ni Tsukino nang makita ang mga luha sa mata ng prinsipe, mahigpit din niyang hinawakan ang kamay nito na agad marahas na tinanggal ng prinsipe.

Puno nang poot na tiningnan ng prinsipe ang babae na ikinagitla ng madla dahil mukhang hindi masaya ang prinsipe sa kasalanang naganap. Napuno nang mga haka-haka at bulong-bulungan ang mga bisitang mga taga-Titania na ikina- ingay ng paligid.

"Kasal lang tayo sa papel, pero alam mong hindi ako masayang kasama ka at alam mong hindi kita kayang mahalin," aniya ng prinsipe at nagsimulang magbulong-bulungan muli ang mga tao at ang pag-alat ng ekspresyon ni Tsukino.

"Mahal na prinsipe? Itutuloy po ba ang koronasyon?" Pa-utal-utal na wika ng duke na responsable sa seremonya.

Hindi sumagot ang prinsipe bagkus ay tumalikod at naglakad palabas, hinubad niya ang kaniyang itim na kapa at marahas niya itong itinapon sa kung saan.

Alchemic Chaos: Fate (Vol 1 & 2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें