Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nanginginig ang boses na nagsalita. "Valerian, sa loob ng isa at kalahating taon na nasa Japan ako, walang nakahawak sa aking ibang lalaki. Lots of men tried to date me and more, pero ni paghalik sa kanila hindi ko magawa kasi ikaw ang nasa isip ko. Ikaw ang gusto kong halikan." Bumaling siya rito, may masaganang luha na dumadaloy sa pisngi niya. "Ikaw ang gusto kong makasama. Ikaw lang." Humikbi siya. "Habang kasama mo ang mga babaeng 'yon, pumasok man lang ba ako sa isip mo? Ni minsan ba, hiniling mo na sana ako na lang ang kasama mo?"

"A lot of time," he answered. "Pero sa mga panahong 'yon, alam kong imposible na mangyari ang hiling ko na sana nasa tabi kita, na sana ikaw ang kasama ko. I know, I'm a jerk. But can you blame me?"

"I know it was my fault." Malakas siyang napahikbi. "Pero masakit pa rin na isiping ang lalaking mahal ko, may kasamang iba sa mga panahong iniisip ko siya."

Valerian squeezed his eyes shut and sighed. "I've laid myself open to you. Sinabi ko na lahat sa 'yo ang mga ginawa ko. Nasa sa 'yo na 'yon kung tatanggapin mo uli ako." Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. "I wish you would accept me, pero hindi kita pipilitin kong hindi mo gusto o kung hindi mo kaya." Hinalikan siya nito sa noo. "Doon muna ako sa kuwarto, magpapahinga lang. If you need me, puntahan mo lang ako ro'n."

Nang makapasok si Valerian sa kabahayan, doon pinakawalan ni Grace ang malakas na hagulhol na kanina pa niya pinipigilan.

That pain was too much. Pero hindi siya dapat mag-inarte, siya ang nang-iwan. Kasalanan niya kung bakit nasasaktan siya ngayon. Her heart was breaking into million pieces and the only thing she could do was cry her heart out.

She couldn't blame Valerian though. Tanging sarili lang niya ang masisisi niya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Masakit. Masakit na masakit, pero mahal niya si Valerian. Mahal na mahal. At kaya niyang tanggapin ang ginawa nito habang nasa Japan siya. He didn't actually cheat dahil wala naman silang relasyon at siya pa ang nang-iwan.

But the pain was suffocating her. It hurts like hell!

Tinuyo niya ang basang pisngi at pinilit ang sarili na maging matatag.

She sighed. "God, it hurts." Bumuntong-hininga siya habang may nalalaglag na luha mula sa mga mata niya.

"Hindi mo ba alam na puwede kang magka-hypothermia sa lamig?"

Napasinghap si Grace sa gulat, saka bumaling sa pinanggalingan ng boses kasabay ng pagpahid niya sa basang pisngi. Nanlaki ang mga mata niya at nakaramdam siya ng takot nang makakita ng lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kanya.

"S-sino ka?" kinakabahang tanong niya habang pinagmamasdang mabuti ang lalaki.

The man in front of her was downright handsome. Kulay-silver ang buhok nito. Naka-leather pants, leather jacket at leather boots.

Hindi gumalaw ang lalaki sa kinatatayuan na ikinapanatag niya kahit paano. If this man would try something funny, makakatakbo siya agad papasok sa loob ng bahay. At dapat iyon ang gawin niya kasi estranghero ang kaharap, pero may sariling isip ang katawan niya na nanatiling nakaupo sa hagdanan.

"Ano'ng pangalan mo?" tanong ng lalaki. "Dapat nasa loob ka. Baka mamatay ka sa lamig, sige ka, magiging violet ka."

Tumaas ang kilay niya. "Violet talaga?"

"Okay. Hypothermia na lang para mas sosyal pakinggan," sabi ng lalaki na nakataas ang sulok ng mga labi. "Anway, I'm Titus."

Sinupil niya ang ngiting gustong gumuhit sa mga labi niya. "Titus like a brand of ball pen?"

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu