HBH37: Blanket Kick

1.5K 74 13
                                    

HAPPY NEW YEAR GUYSEUU ~ this is the first new year ko bilang A.R.M.Y. ! and I'm proud of it. HAHAHA ~ Happy new year uli ^____^ hehehe.

Thanks for them for everything!

@VhopeKooked
@LeiTaehyung_Vv
@onlyyoongi
@EliahPascua
@-fallendevil
@Yeorin_Taehyung
@gorgseven
@gldyll
@keyeo-
@Harlestia
@BossKookie
@gchen3597
@charot1127
@elinetokki

By the way guys, baka sa chapter 40 or plus na yung PoV ni Jin kasi hindi ko maisip kung anong nararamdaman ng mga lalake kapag torpe kaya humingi ako ng payo sa mga tropapels ko ~ kamsa. Sana maintindihan niyo po ^___^

----

"V..... I'm sorry." Nagulat ako nang nginitian niya ako at ngumisi pa na parang wala lang sa kaniya lahat. Pero ako patuloy lang sa pagluha dahil nasasaktan akong makita na may sakit na pinahihiwatig yung mga mata niya.

Binigyan niya ako ng isang kulay pink na panyo pero ipinunas muna niya to sa mga mata ko bago ibigay sakin. "Don't be sorry Aya. Hindi naman purkit pinapalaya kita ngayon, palagi ka nang malaya. Hindi ibig sabihin na isusuko kita, gusto ko lang malaman mo na kung anong totoong nararamdaman mo. Oh, nga pala! HAHA! AYA! May promise ka sakin diba?" Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin dahil sa kilos niya ngayon, bakit bigla na lang siyang nag-iiba ng mood?

Napataas na lang ako ng kilay. Napaka-bipolar niya talaga, akala mo walang nangyari. Saka anong promise? Hindi kaya... Hindi kaya narinig niya yung sinabi ko nung gabing umiiyak siya? Ilang beses ko na nga ba siyang napapaiyak?

"Yung nasa van tayo!" Namilog yung mga mata ko dahil sa sagot niya. Hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang sabihin. Huh? Sa van, hindi ko maalala.

"Huh?" Yun na lang lumabas sa bibig ko.

"Diba sabi mo pa nga IT'S A DEAL! Yung papauwi tayo papunta dito! Aya naman!" Hindi ko pa rin siya maintindihan. Wala akong maalalang ipinangako ko sa kaniya.

"V?"

"Ang sabi ko sayo pagupitan mo yang buhok mo ng kalahati! Hanggang balikat lang naman! Tapos pakulayan mo ng itim! Aalisin natin yang rainbow color part ng buhok mo! Nakalimutan mo na ba? Ang bilis mo namang makalimot?!" Tinuktukan naman niya ako sa noo. Sumimangot naman ako kaya dinilaan lang niya ako.

Oo nga pala, naalala ko. Pinipilit niya akong pagupitan yung buhok ko nung isang buwan pa. Hindi ko man malaman kung anong dahilan at napapayag niya ako sa gusto niya. Still pumayag pa rin ako kahit sa loob loob ko ngayon, ayoko!

"Hindi ka ba galit sakin?" Sabi ko habang naglalakad na kami papasok ng building.

"May dahilan ba para magalit ako?" Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya... Dahilan para magalit siya? Ano bang nakain ni Taehyung?

"Ilang beses na kitang napaiyak, ilang beses na kitang nareject, pinaasa kita, and worst.... Nasasaktan kita. Hindi pa ba sapat yung mga yun para magalit ka sakin?" Naramdaman ko nanaman yung mga yakap niya na mahigpit. Sigurado akong magdadrama nanaman ito.

"Hindi. Hindi ako galit, hinding hindi ko kayang magalit sayo." Ngumiti naman siya at naglakad nanaman kami paalis.

Pumasok kami sa dressing room nila kung saan nandun rin sila manager oppa, tapos na ata sila magphoto shoot. Nagliligpit na rin sila at wala na yung ibang mga members.

"Noona!" Lumingon naman yung isa nilang P.A. nginitian niya si Taehyung at pati na rin ako. Nag bow ako sa kaniya, ganun din naman siya sakin.

Hiding in Bangtan's Home | bts k.sjTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon