HBH43: Blanket Kick

1.3K 58 9
                                    

Multimedia guys. LOL. SK telecom dude xD ang gwapo ng mga asawa natin dyan. /ugly tears/

----

[[»Aya's POV«]]

"Aya noona! Sabi ni Hoseok hyung buksan mo daw yung TV ngayon. May interview sila!" Kusot matang sabi ni Jungkook at may hawak pang toothbrush sa isang kamay niya. Nasaan na nga ba yung iba?

"Ne!" Sagot ko at saka naglakad papunta sa salas at binuksan yung TV gamit yung remote.

Pagkahatid sakin dito ni Jimin umiyak uli siya sa balikat ko. Bakit ba naman kasi kailangan pa ni Jin na isama yung babae na yun? Alam naman niya na masasaktan lang yung isa. Naalala ko kung paano umiyak si Aiko dati sa balikat ko dati. Same feeling lang, bestfriends ko sila parehas at ayoko silang nasasaktan.

Maaga namang napatahan ko si Chim. As I said, kahit saglit na panahon ko pa lang siya nakakasama I knew him that well. Alam kong sobrang sakit na makita yung taong mahal mo na may kasamang iba. Hindi madaling tanggapin yung mga bagay na akala mo may pag-asa pa pala.

Yung masasabi mo na lang na... Sana ako yun eh. Ako dapat yun.

May mga pagkakataon na akala natin ayos lang tayo at kaya na nating harapin lahat ng mga nangyari pero kapag binalikan natin yung mga nakaraan, kahit tingin natin malakas at handa na tayo. Masakit pa din.

"So you're infatuated?" Nagulat naman ako sa pambungad na tanong nung host nang mabuksan at maayos ko na yung signal ng TV. Teka? Sino naman yung infatuated sa kanila?

"Yes." Sagot ni Jimin. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa infatuated kuno na yan.

"Who's that lucky one? Pwede ba namin malaman?" Excited na tanong nung host habang nakatingin sa kanila na parang hindi na makapag-antay sa sagot ni Jimin. Napatingin ako kay Chim, parang wala pa siyang tulog, maga ang mata at halata na pilit yung ngiti niya. Hitsura ng broken hearted.

"Hobie hyung."

Nagtawanan naman ang mga loko sa sagot ni Jimin. Bakit si Jimin, Jhope, Rapmonster at Jin lang ang nandiyan? Bakit hindi kasama yung ibang mga members? Saka bakit magkasama sila Jimin at Jin? Alam ba nilang maiilang lang yung dalawa sa isa't isa?

"Bakit wala ka dito Kookie?" Tanong ko sabay turo sa TV. Ngayon naman nagtatanong yung host kung ano ano yung mga hobbies nilang apat.

"Sa ibang interview kami, noona. Baka mamayang hapon pa kami umalis nila Suga hyung." Napatango na lang ako sa sagot niya at nakatutok sa pinapanood ko.

"Hobby kong pumatay ng insekto." Out of nowhere na sagot ni Rapmonster. Hindi mo talaga siya maintindihan kung minsan. Masyado kasing malalim yung mga sagot niya, parang hugot pa nga minsan.

"Ako naman... Hm? Sumusunod na 'ko sa yapak ni Suga hyung." Napatawa naman ako sa sagot ni Hoseok oppa. Para silang ewan ngayon kung tutuusin.

"Nasaan naman yung iba? Ikaw lang nandito. Nasaan si Yoongi hyung at V?" Kanina ko pa sila hindi nakikita mula pagkagising ko kaya naman nakapagtataka lang na wala pa rin sila hanggang ngayon. Imposible naman na tulog pa sila, si Brinna eonnie nga nasa baking school na niya.

"Nasa likod sila, nags-swimming. Susunod pa nga lang ako." Swimming?! Sa ganito kaaga at kalamig? Mga bato ba sila?

"Swimming sa taglamig?! Ano kayo manhid?" Taka kong tanong at tumango naman itong si Kookie.

"Mga sabog yung mga yon, wag mo ng alalahanin. May mga pagkakataon talaga na kailangan natin maging manhid para masanay tayo sa mga bagay na alam din naman natin na dadating sa mga buhay natin." Sabi niya habang tinatapos yung pagsisipilyo niya. Aba, hugot.

Hiding in Bangtan's Home | bts k.sjTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon