HBH45: Kiss

1.3K 66 33
                                    

[[»Jins POV«]]

"J-Jin... Oppa, ang sakit pala? Hindi ko alam na ganito pa rin pala kasakit. Ang sakit dito" sabi niya habang tinuturo yung dibdib niya kung saan nakadireksyon yung puso niya. "Bakit ganon? Bakit ang sakit sakit?!"

Nandito kami sa tapat ng unit ni Janica at ng kasama niya. Yung Dana ba yun? Basta ganun. Nakita kasi namin kanina si Jimin at yung girlfriend niya na magkasama sa tapat ng building ng Bighit. Malamang, masakit talaga yun sa part ni Janica.

"Bakit ba naman kasi naisipan mong iplano ito kung masasaktan ka lang pala bigla bigla? Dapat inisip mo din muna ang sarili mo." Sabi ko at hinawakan siya sa balikat. Napailing naman ako, akala niya siguro kaya na niya. Lalo lang siyang nasaktan, kailangan na lang niyang tanggapin na hindi na sila pwede ni Jimin dahil may girlfriend na yung pandak.

"Hindi ko naman alam.. h-hindi ko na d-dapat nalaman." Hinawakan ko siya sa likod at tinapik tapik. Kung alam lang ni Jimin kung gaano siya kamahal nitong kakambal ni Jungkook.

"Matagal ko ng alam eh! Dati pa, pero sabi niya... Ang sabi niya.. h-hindi... Niloko niya ako. Masakit." Gusto ko sanang sapakin si Jimin pero hindi naman pwede. Hindi ko pwedeng diktahan yung sarili niya na si Janica ang mahalin. At isa pa, hindi ko rin naman alam kung ano talaga yung nangyari sa kanila at bakit may girlfriend na yung pandak.

"Naalala mo ba yung mga payo mo sakin dati? Na kahit ako yung mas matanda, ikaw pa yung tagapayo ko? Pwes ngayon, ako naman ang magpapayo." Sabi ko at ngumiti naman siya pero halatang pilit lang naman.

"Wag kang mag-move on. Yun lang, ang pagmomove on, para lang sa gustong makalimot. Ang kailangan mo lang ay ang tanggapin yung mga bagay na hindi na pwede pang mangyari. Kailangan nating harapin yung mga dadating sa buhay natin na magpapakita satin kung paano talaga ang maging masaya sa kabila ng kahinaan natin."

"Naalala mo ba nung sinabi mo sakin na ang tanga ko at nagpapakaduwag pa ako? Napaisip ako, ano nga ba yung dapat kong ikatakot? Wala namang mawawala sakin. Pero Janica, alam mo... May isa pa akong naisip non, hindi ako natatakot na baka mawalan ako... Wala namang mawawala sakin. Kasi pakiramdam ko hindi naman talaga siya akin kaya hindi ako mawawalan."

"Kung ako sayo, tatanggapin ko na lang. Kung gusto mo ng ihinto itong plano natin na magpanggap at pagselosin si Aya kahit alam kong malabo namang mangyari, sige... Ihinto na natin. Aamin na ako ngayon." Pinunasan ko yung mga luha niya sa mata. Naiisip ko tuloy na si Jungkook itong nasa harapan ko ngayon. T.T JinKook na ba ituu? K.

"Pumasok ka na, may pasok ka pa bukas. Baka hindi kita mahatid. Baka kasi maghapon akong umiyak bukas dahil baka tuluyan na nga talagang mawala..."

"Oppa... Good luck. Sana maging masaya ka sa resulta." Ngumiti ako sa kaniya at naglakad papalayo.

Tama kaya yung desisyon ko? Aamin na ba ako?

Pero paano? Ano naman yung mga dapat kong sabihin? Minsan kasi kahit may lakas ka na ng loob kapag nandiyan na siya sa harapan mo, mahihirapan at mahihirapan ka pa din.

We can't predict what will happen next. Tatanggapin ko kung ano mang resulta, wala naman akong magagawa kung ayaw niya sakin.

[Asawanijin: Ako, gusto ko sayo HAHAHA! LoL]

Kahit masakit ayos lang. It's the thing about pain, it demands to be felt.

Umalis na 'ko at dumiretso muna sa building para ipagpaalam na baka hindi muna ako maka-attend ng practice bukas. Ako daw kasi yung nakatoka kay Brinna. Simula kasi nang malaman naming masyadong sensitive ang pagbubuntis niya may nagbabantay na sa kaniya.

Hiding in Bangtan's Home | bts k.sjWhere stories live. Discover now