HBH29: For you

1.8K 86 9
                                    

[[»J-Hope's POV«]]

Nakatulala lang ako dito sa van habang pinapanood ko kung paano matulog si butiki sa balikat ko, napapangiti na lang ako dahil naghihilik na siya. Halatang pagod siya dahil naghabol pa siya sa school niya.

Mabuti na lang at pinagbigyan siya kahit mataas ang kurso niya na medicine. Sabi collaboration week lang naman daw last week kaya naman hindi masyadong importanye yon. Nakipag-collaborate daw ang mga law student ng university nila sa mga medicine students. [Asawanijin: Echos lang ho iyan xD part yan.]

Para naman daw magkaroon ng connection between the students dahil kadalasan nagsosolo lang sila. Lalo na daw 'tong si Euneeh masyado daw loner at hindi palakaibigan. Yung kahit kapatid na siya ni Yoongi hyung ay hindi pa rin niya pinagkalat dahil ayaw naman niyang sumikat. Kailangan daw niyang maghanap ng isang law student na umabsent din that week para naman daw makabawi siya. Isa pa naman siya sa mga top student ng university niya.

Ang daldal kasi ni Euneeh kanina kaya na rin siguro nakatulog siya. Naikwento niya sakin lahat na halos lahat daw ng mga kasama niya ay masama ang tingin sa kaniya eh ni hindi naman daw siya masyadong kamukha ni Suga kaya sigurado daw siya na hindi yon ang dahilan.

Ang sabi ko wag na niyang pansinin ang mga yon dahil kapag nalaman din naman nila ang totoo ay maiinggit lang sila. Siya si Min Eun Ih! Walang pwedeng umapi sa nang-aapi!

Inayos ko ang pagkakahiga niya dahil halos malaglag na siya. Si manager hyung mabuti at napagdesisyonang umuwi para naman daw kay Brinna noona.

"Ang ganda mo sana e, kaso ginagawa mo ang lahat para maturn off sayo yung mga lalake." Ang ganda niya sa totoo lang. Nagandahan agad ako sa kaniya pagkarating na pagkarating pa lang niya sa bahay. Hindi man kami masyadong magkasam non dahil dorm pa kami at puno ang schedule ginagawa pa rin namin ang lahat para makauwi. Then sasalubong sa amin ang isang baliw na Euneeh.

"Ginagawa mo rin naman kasi akong switch ng ilaw. Turn on turn off." Hindi ko alam kung anong ikikilos ko kahapon sa ginawa niya. Usually palagi naman kaming magkasama dahil bestfriends naman kami kahit papaano, pero nung hinalikan niya ako kahit sa pisnge lang. Hindi na ako nakakilos nang maayos.

Parang lahat ng mga bagay sa paligid tumigil. Kahit yong maingay na bunganga ni pandak, lakas ng pagsigaw ni ilong ay hindi ko marinig. Masyado akong nalutang na hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan yung ginawa niya. Hinawakan niya ako at hinalikan sa pisnge,

"Alam mo bang nagugustuhan kita? Hindi naman kasi pwede dahil una bestfriends tayo at ayaw kong mawala ang connection nating dalawa." Ayaw ko nung pag may mas malalim pa na connection samin na mangyari ay biglang mapuputol at ang mas masakit ay mawala yong connections namin.

"Pero bakit na lang palagi akong nasasaktan? Palagi mo na lang ako nilalayo sayo? Hindi ka naman kasi magnet para madaling madikitan eh." Tinignan ko siya sa mukha at saka ko siya niyakap. Nasa dulo naman kami ng van at may harang naman ito sa driver kaya hindi rin niya kami naririnig o nakikita.

"Sana naman kasi hindi mo na pinapagulo pa. Hindi ko alam kung nasaan ka na ba Euneeh. Ewan ko kung dito," sabi ko sabay turo sa utak ko. "O baka dito na......" Sabi ko at tinuro yung dibdib ko. "OP ka na ata at palipat lipat ka. Minsan nga iniisip ko kung baka parehas nandoon ka." Napatawa na lang ako sa ginagawa ko.

Kumakausap ako ng tulog na tao. Mas ayos na 'yon kaysa sa patay na tao ang kausapin ko.

Naalala ko nanaman yung unang beses siyang umiyak sa harapan ko. Yung unang beses na nakita ko siyang nanghina at para bang susuko na. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba siyang makitang ganun, na para bang mas gugustuhin na niyang mamatay.

Hiding in Bangtan's Home | bts k.sjWhere stories live. Discover now