Chapter 4 ~ Ang mission

Start from the beginning
                                    

Ngumuso ako nang alikabok lang ang naamoy ko. Hindi na masyadong ginagamit ang 5th floor dahil mga lumang practice rooms lang naman ang mga nandito.

Nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti ay may naririnig akong instrumental music. Sinundan ko ang tunog ng kanta at napadpad ako sa isang maliit at lumang theatre sa pinaka dulo ng hallway. Dahan-dahan ko itong binuksan. Tumambad agad saken ang isang ballerina na nasa stage. Nakapusod ang buhok niya at glittery pink ang ballet outfit niya. Napakaganda niyang sumayaw tipong halos matulala ako. Jhoey is just perfect.

Hindi ko na namalayan na nakaupo na pala ako at nakatunganga sa panonood sakanya. Hindi naman niya alam ang presensya ko dahil madilim dito sa likod at spotlight lang sa stage.

Umikot siya ng patapos na ang music at mahinhin na nag bow.

Nagising nalang ako ng makarinig ng palakpak. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa may VIP seats at nakita ang isang pamilyar na tikas ng lalake na naka upo at nakangiting pumapalakpak. Ngumiti si Jhoey sakanya at nagmadaling ni-off ang strereo na nasa may mismong flatform rin. Tumayo ang lalake at naglakad sa harap ng stage para abutan ng bottled water si Jhoey. Masaya naman yun na tinanggap ni Jhoey. Sumampa sa stage ang lalake at naupo sa tabi ni Jhoey. Naiilawan na siya ng spotlight. Laglag ang panga ko nang mapatunayan kong si Zero ang lalake. Naka upo sila sa stage at nakaharap sila saken pero hindi nila ako makita dahil nga madilim. Pinanood ko sila.

"That was amazing." Puri ni Zero sakanya.

"Thanks." Sagot ni Jhoey at ininom ang tubig na bigay ni Zero. Pinagmasdan siya ni Zero habang seryosong iniinom niya ang tubig. Para akong malulusaw sa titig ni Zero kahit na hindi naman ako ang tinititigan niya. I mean, pangarap ng bawat babae na titigan sila ng ganun. Yun bang, titig palang niya, sinasabi na niyang mahal ka niya? Really, his stare was intense.

Pangarap ko na titigan ako ng ganyan at kung si Zero ang tititig saken ng ganyan? Baka mawalan nalang ako ng malay. I mean, kahit ang ex-boyfriend kong si Tyler ay hindi ako tinitigan ng ganyan ka intimate.

Shet nakakaselos si Jhoey! Ang swerte swerte, swerte niya!

"You want?" Alok ni Jhoey sa tubig niya.

Umiling si Zero. "It's for you."

"Oh c-mon. Inumin mo na. I know you're thirsty."

Tumango si Zero at ngumiti. Tinanggap niya ang tubig at gusto kong magwala ng ininom niya yun. The fuck, indirect kiss yun! Uwaa! It hurts!

Natahimik sila. Nakanguso si Jhoey habang pinapanood niya lang ang mga paa niyang ginagalaw galaw niya. Grabe, ang cute niya!

Pinunasan ni Zero ang pawis ni Jhoey sa mukha at nalaglag ang panga ko. Parang wala lang kay Jhoey ang ginagawa ni Zero. Para bang sanay na sanay na siya. God, she's so bloody lucky!

Humilig si Jhoey sa balikat ni Zero saka siya pumikit. Gusto ko silang pichuran dahil sa ganda ng pose nila ngaun pero hindi ko yun gagawin dahil nagseselos ako! God, I can't even accept the fact that they're freakin cute together!

"I' am sorry about the last time. Yung sa gym. About the dogtag. I didn't mean to yell at you... Just that-"

"No baby, it's okay."

Nawindang ako sa sinabi ni Zero. GOD, BABY?! Mawawala ata ako sa ulirat sa mga naririnig ko sakanya. Ang merciless, insensitive at walang pakelam na si Zero ay napaka sweet pala? Gosh, I don't know what to think anymore!

Napamulat si Jhoey at nag angat ng tingin kay Zero.

"Zero, we're friends." Aniya na para bang nakalimutan ni Zero na magkaibigan lang talaga sila at yun lang ang kaya niyang ibigay sakanya.

Courting ZeroWhere stories live. Discover now