070

1.4K 129 24
                                    

10:21 pm

Justin: Good morning po diyan, tita.

10:41 pm

Maris: Hello. Who's this?

Justin: As you can see po, I'm Justin Cyron. At kaklase po ako ni Moira.

Justin: Kailangan ko po talaga kayong makausap ngayon. Sorry po kung naistorbo ko kayo.

Maris: Oh, hi dear. What about my daughter? May problema ka ba sa kanya? And I can only give you a five, kasi aalis na kami ng daddy ni Moi.

Justin: I understand po, tita.

Justin: I'm just wondering, kung nakakamusta niyo po ba nang maayos si Moira, eh nasa ibang bansa kayo?

Maris: Boy, even though we're on the different side of the world, we make sure to always keep in touch with our daughter.

Maris: In fact, we're always calling her every week

Justin: Ah

Justin: Pero iba pa rin po kasi yung lagi niyong nakikita ang anak niyo.

Justin: Alam ko pong mahal niyo ang anak niyo, pero paano niyo natitiis na hindi siya makita? Ilang taon na rin po ba?

Justin: 4? 5? 6? 7?

Justin: Maraming taon niyo na po siyang hindi nakikita. Paano niyo po yun natitiis?

Maris: We're doing that for her, at siya na mismo ang nagsabi na naiintindihan niya kami

Justin: Nagtatrabaho rin naman po ang mga magulang ko, pero hindi sila nawawalan ng oras para samin ng mga kapatid ko. Parehas pa man ding overseas yung work nila, pero nagkakaroon po sila ng time para makipagbonding at umuwi samin taon-taon

Justin: Actually, hindi po talaga taon-taon. Minsan every 3-5 months

Maris: Okay?

Maris: Why are you saying this to me, kid?

Maris: And why do I even entertained you

Justin: If you're thinking that this is a prank, don't, Mrs. Villarica.

Justin: Kaibigan ko rin po si Daphne

Justin: And she's with me right now

Maris: Ano ba talagang gusto mong sabihin, hijo?

Justin: May problema po ang anak niyo.

Justin: At kailangan niyong umuwi para sa kanya

Maris: Ano? Anong problema niya?

Maris: Can you just tell me what is it?

Justin: Kayo po mismo ang dapat makaalam. Alam ko pong mahal na mahal niyo ang anak niyo, kaya nga nagtatrabaho kayo diyan nang mabuti at kinakaya niyo ring magtiis para sakanya dahil para sakanya rin naman ang ginagawa niyo, pero kung nagke-care po talaga kayo kay Moira, umuwi naman po kayo rito para sakanya.

Maris: Bakit mo to sinasabi sakin?

Maris: Ano ka ba ng anak ko?

Maris: Kahit si Daphne na matagal na niyang kaibigan hindi ako chinat ng ganito

Justin: Ako po?

Justin: Mahal ko po kasi ang anak niyo, ma'am.

Justin: At ginagawa ko to kasi ayoko na siyang masaktan pa.

Justin: Kaya kahit masakit din po sakin tong ginagawa ko dahil sa mga susunod na mangyayari, nagrisk na ako.

Maris: Oh god.

Justin: Ma'am, pagkatiwalaan niyo po ako, please? Alam ko pong mahirap para sainyo kasi isa lang akong batang hindi niyo kilala pero biglaang chinat kayo para sa bagay na to pero sana po mapag-isipan niyo. 

Maris: I'm so nervous right now, kid

Justin: Tapos na po yung five minutes, ma'am. Sumobra pa nga po ata?

Justin: Pasensiya na po sa istorbo. Sana masabi niyo rin po to kay Mr. Villarica at makauwi po kayo soon.

Justin: Icheck niyo po siya nang maiigi.

Justin: And ma'am, kung nakasuot po siya ng jacket palagi, kung maisipan niyo man pong umuwi, ipatanggal niyo po sakanya yun. Kung ayaw niya po, pilitin niyo siya. Gawin niyo ang lahat, ma'am.

Justin: Salamat po sa time niyo, ma'am.


StalkedWhere stories live. Discover now