013

2.8K 179 58
                                    

08:36 pm

Moira: Dapdap.

Daphne: Oh?

Moira: Si Tyler kasi.

Daphne: Fuck? Anong sinabi niya sayo?

Moira: Hindi niya naman ako pinilit this time.

Daphne: Puta? So pumapayag ka na sa gusto niya?!

Moira: Gaga. Hindi. Chill lang siya kanina.

Moira: Yun ang akala ko.

Moira: Kinabahan ako kanina. May nakakita sa'ming nag uusap sa may locker's area.

Moira: Tapos may kumalabog

Moira: Si Justin lang pala.

Moira: Buti at hindi niya natuloy ang balak niyang gawin

Daphne: Bakit ba?

Moira: Kasi hahawakan niya sana braso ko.

Daphne: Hindi ka niya hahawakan kung hindi ka tumanggi sa kanya.

Daphne: Ano ba talagang sinabi niya sayo?

Moira: About Justin.

Moira: Nakita niya kaming napalabas sa room nung nakaraang araw.

Daphne: Tangina naman niya. Wag mong sabihing nagseselos ang gago mong boyfriend?

Moira: Bunganga mo naman Dap.

Daphne: Tigilan mo nga ako, Moira. Gusto mo bang mamura rin? Tangina. Tumigil ka talaga at masasapok din kita.

Moira: Basagulera ka talaga.

Moira: Bagay kayo ni Tyler.

Daphne: Ulol mo. Tyaka putangina isaksak ko sa baga ng boypren mo yang bagay bagay na yan tigilan mo ako ipapatapon kita sa Ilog Pasig

Daphne: Hindi ako basagulera, nasa lugar ang pakikipag away ko. Alam mo yan.

Daphne: Sabihin mo lang sakin kung anong ginagawa niya sayo.

Daphne: Kundi reresbakan ko na.

Daphne: Isama ko pa yung mga gunggong. Aha. Tignan nalang natin kung makatayo pa ang gago

Daphne: Hayop na yan

Moira: Daphne naman...

Daphne: Kilala mo ako, Moi.

Daphne: Kapag sinabi ko gagawin ko.

Daphne: Ngayon kung may ginawa talaga sayo ang gagong yon nakaready na ako.

Daphne: Okay?

Moira: Ilabyu :*

Moira: Pero hindi niya naman ako sasaktan eh.

Daphne: Sinong niloko mo?

Moira: Basta. Kaya ko ang sarili ko.

Daphne: Ingat ka.

ㅆㅆㅆ

YAY!
Dahyun as Daphne ♡


StalkedWhere stories live. Discover now