045

2K 130 73
                                    

06:29 pm

Moira: Hey

06:39 pm

Justin: Hi

Moira: Musta?

Justin: Parang di naman tayo nagkita kanina.

Moira: Wala lang

Moira: Ano kasi e

Moira: Parang di ka na okay kanina pagkatapos ng lunch break?

Moira: May nangyari ba?

Justin: Wala naman. E sayo, may nangyari ba?

Moira: Ha?

Justin: Wala

07:03 pm

Moira: Justin. May itatanong sana ako.

Justin: Ano?

Justin: Assignment ba?

Justin: Wala tayong assignment.

Moira: Alam ko.

Moira: Iba kasi itatanong ko

Moira: Nakita kita sa may locker's area kanina

Justin: Malamang. Naglocker ako e

Moira: Oo nga.

Moira: Hmm bat kasi nakalagay yung locker's area sa tabi ng CR ng girls

Moira: Narinig ko kasi yung malakas na pagsara mo sa locker mo kaya napasilip ako. Nasa loob ako ng CR nun.

Justin: Naramdaman ko nga yung tingin mo e. Tapos umalis ka kaagad.

Moira: Galit ka ba?

Moira: Parang bad trip ka eh?

Justin: Bad trip nga ako.

Justin: Dahil sa narinig ko kanina sa may locker's area.

Justin: Tangina ba, Moira?

Moira: Wait

Moira: What the fuck

Moira: So matagal ka na palang nandun?

Moira: At nagtatago ka lang?

Justin: Oo. At narinig ko lahat ng putanginang napag-usapan niyo ng gago mong boyfriend.

Moira: Sht

Justin: "Ano ba, Moira! Tangina mo naman, ang pabebe mo!" Ganyan ba ang sinasabi ng matinong boyfriend sa girlfriend niya?

Justin: "Ang arte-arte mo. Ikaw na nga 'tong niyayang magsex tayo—" tapos hindi na natuloy yung sasabihin niya kasi sinampal mo siya.

Justin: Tapos hinawakan niya nang mahigpit ang braso mo at nilapit ang mukha niya sayo.

Justin: Kitang kita ko na maiiyak ka na pero pinipigilan mo, kasi ayaw mong magmukhang mahina sa harap niya diba? Pinigilan ko rin namang sapakin yung boyfriend mo kasi alam kong malakas ka, at wala akong karapatang mangialam at makisawsaw sa away niyo.

Justin: "Alam mo tinitiis nalang kita e. Yung ibang babae, sila mismo ang nagyaya sakin sa kama. Magaling daw kasi akong bed warmer." Tangina proud pa siya niyan.

Justin: Moira, gustong gusto kong bangasan yung boyfriend mo kanina e.

Justin: Tapos hindi ka na nagsalita. Kasi putangina. Kitang kita ko sa mga mata mo kahit malayo, na mahal mo siya.

StalkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon