049 [r]

2K 125 165
                                    

Hindi ko man nasundan ang tradisyon ng Midnight (lol), na ilagay sa 047 ang confrontation, pero ginawa ko pa ring narration! Huehue. Rated ang chap na 'to omgz sorry.

ㅆㅆㅆ

Dahan-dahan kong nilapag sa table ang cellphone ko. Napaangat naman ang tingin ko sa reflection ng sarili ko sa salamin.

Eto na naman tayo. Pipilitin na naman niya ako para makipag-ano sa kanya. Tangina ba talaga. Kahit anong gawin niya hindi niya makukuha ang perlas ng silangan ko, kahit boyfriend ko siya, kahit na mahal ko siya.

Kasi alam kong hindi pa ito 'yung panahon para run.

Pipilitin niya ako, at kapag nagsawa na siya sa paulit-ulit kong pagsasabi ng hindi at ayoko, sasaktan na niya ako.

Ganun naman palagi.

'Di ko na namalayang may tumulo na palang luha sa right eye ko. Pinahid ko agad ito gamit ang likuran ng kamay ko at tumingin sa ibang direksiyon.

Lumapit ako sa closet ko atyaka kumuha ng jacket, nahugot ko 'yung gray jacket at sinuot ito agad. Marami akong jacket, sweaters o long sleeves. Lagi ko itong gamit para hindi makita ng iba ang mga pasa ko. Inayos ko na rin muna ang buhok ko.

Maya-maya pa'y napalingon ako sa tumutunog kong cellphone kaya agad ko 'tong tiningnan. Napa-frown ako ako sa nabasa ko.

Tyler: Strip.

Tyler: Maghubad ka na para di na ako mahirapan.

Naiimagine ko 'yung demonyong pagngisi sa'kin ni Tyler habang sinasabi niya yan.

"Moira?" Rinig kong sigaw ng lalaki. Shet. Kahit naman galing sa ibaba ang boses na 'yun ay kilalang-kilala ko na 'to. "Moira!" Sigaw niya pa.

Nakalimutan ko nga pala. Punyeta de amor. May susi pala si Tyler ng bahay ko.

"Ayan na." Napaismid ako.

Nagulat nalang ako nang makarinig ako ng mga yabag papalapit dito sa kwarto ko kaya agad kong ni-lock ang pinto ko. Napasandal ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko, ang lakas ng kabog.

"Moira!" Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang simulan ni Tyler pukpukin ang pintuang sinasandalan ko. "Buksan mo 'tong pinto! Pabebe ka na naman ba? Ano, sisirain ko nalang ba 'to?!"

Naiikot ko nalang ang mata ko sa sinabi niya. Siguro mga 360 degrees. Mga ganon. Wala talaga akong laban dahil kahit sa isang salita niya lang, para na akong tutang nakasunod sa amo niya.

Wala na akong nagawa kundi tuluyang pagbuksan siya ng pinto. Napangisi naman siya sa'kin at pumasok agad sa kwarto ko.

Hinawakan niya agad nang mahigpit ang wrist ko at ni-lock ang pinto tyaka humarap sa'kin.

Tinulak niya ako sa pader at idinikit din niya ang dalawa kong kamay na hawak-hawak niya rito. Kinorner niya na naman ako.

Sa totoo lang, masakit.

'Yung hawak niya tyaka 'yung nararamdaman ko. Hindi ko pala kaya ang sarili ko sa kanya.

"Tyler, nasasaktan ak—" putang.

'Di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi hinalikan niya ako agad. Pilit naman akong umiiwas sa mga halik niya dahil sa amoy niya.

"'Di ba sin–nabi ko na sa'yong maghub–bad ka na para 'di na ako mahir–rapan? Hnnnng. An–no 'to? Putangina nagjac–cket ka pa," he said in between his kisses. Ay oo puta. Lasing siya.

StalkedWhere stories live. Discover now