07:24 pm
Justin: putangina
07:49 pm
Moira: Bakit?
08:16 pm
Justin: Ay
Justin: Wrong send
Moira: Ah sige
08:32 pm
Justin: Moira
Moira: ?
Justin: Kanina.
Moira: Anong meron?
Justin: Nung magkasama kayo ni Tyler
Moira: Tapos?
Moira: Ah oo, sorry pala kung nasamaan ka niya ng tingin
Moira: Bad trip kasi siya eh
Justin: Hindi yun e.
Moira: Ano ba kasi yun?
Justin: Kahit na natatakpan yung mukha mo ng buhok mo. Nakita ko pa rin yung maliit mong pasa
Justin: Actually hindi pasa e
Justin: Medyo namumula pa yung mukha mo
Justin: Moira may nangyari ba?
Moira: Wala
Justin: Parang hindi e
Justin: Merong nangyari
Moira: Oo na.
Moira: Pero ano bang iniisip mo?
Justin: Galit boyfriend mo kanina
Justin: Sinaktan ka ba niya?
Justin: Sinampal?
Moira: Masyado ks namang imaginatice
Moira: *ka
Moira: *imaginative
Justin: Pero hindi malabong mangyari e
Moira: Justin stop.
Moira: Hindi niya ako sinaktan
Moira: Nakita mong binalik ko na yung salamin ko diba
Moira: Nasugat lang ako dun
Justin: Sigurado ka?
Moira: Oo.
Justin: May pasa ka pa sa kamay.
Moira: Ha?
Justin: Humiram ako ng ballpen sayo
Justin: Nakita kong may pasa ka
Moira: Justin pati ba naman yon?
Justin: Eh pasa nga kasi yung nakita ko.
Moira: I'm just careless that's that
Justin: Sige naniniwala na ako