042

1.6K 119 39
                                    

09:03 pm

Moira: Dap

Daphne: Oh? Miss mo ako kaagad?

Moira: Oo naman <3

Daphne: Landi.

Moira: De kasi, di na ako nakapagpaalalam sa tropa mo kanina.

Daphne: Tropa 'mo'? Tropa mo na rin yung mga gunggong na yun.

Moira: Woah.

Moira: Okey lang ba yung sayaw ko kanina?

Daphne: Hmm. Kahit medyo iika-ika ka okay lang.

Moira: Ganun ba talaga ako kahalata?

Daphne: Ano bang nangyari?

Daphne: Bat ka na-late kanina?

Moira: Si Tyler kasi, umabsent siya diba?

Moira: Tas nung magpeperform na kami, bigla siyang nagchat.

Moira: Pumasok ang gago.

Daphne: Ano? Tangina. Buti nalang at hindi kami nagpang-abot kundi baka napatay ko siya

Daphne: Puta ano nanamang ginawa niya sayo

Moira: Chinat ako ni Justin, napansin niya raw na napapangiwi ako sa sayaw namin sa part na may liliyad o yuyuko.

Daphne: Hindi lang naman siya ang nakapansin. Iika-ika ka nga diba?

Moira: Hinila ako ni Tyler kanina papunta sa may locker's area kaya ako na-late.

Moira: Kaya masakit yung likod ko kanina. .. kasi tinulak niya ako bigla sa pader.

Daphne: At kinorner ka?

Moira: Oo.

Daphne: Putang

Moira: Sabi niya namiss niya raw ako kasi di na kami nagkikitang masyado

Moira: Hindi ako tumitingin sa mata niya kasi baka maniwala na naman ako sakanya Dap

Daphne: Eh pano ka nakawala sakanya kanina?

Moira: Tinadyakan ko yung ano niya.

Daphne: Nice one.

Daphne: Tuturuan na kitang mambugbog, Moi. Para kahit mag-isa ka lang malalabanan mo yang gagong yan.

Moira: Dap ayoko

Daphne: As usual. Ang tanga tanga mo talaga. Gaga.

StalkedWhere stories live. Discover now