Chapter 39: Cheater

587K 17K 8.8K
                                    


Beatrix's point of view

"What? Did you call me a bitch?!" Nag-aapoy na siya sa galit. I'm enjoying this. Ang sarap niyang tignan habang galit na galit siya. "Ikaw ang bitch satin dalawa! Malandi ka!"

"Malandi? Are you referring to yourself?" Cool kong tanong kaya mas lalo siyang nagalit. "You're just a waste of time," tinignan ko pareho si Ailee at Ashton. "Let's go."

Nilagpasan namin sila pero hinawakan ako ni Anya sa kamay ko at hinila niya ako paharap sakanya. Sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko 'yong kamay niya. You can never touch my face again.

"Bitawan mo ko!" Sigaw niya. Mas lalo kong hinigpitan 'yong pagkakahawak sa kamay niya. Feel that, bitch. "Ouch! Ang sakit! Bitawan mo kong babae ka!"

Nakita ko sa likod sila Skie. Tumakbo sila papunta sa amin at saktong paglapit niya samin binitawan ko 'yong kamay ng maldita niyang girlfriend.

"Angel! Anong ginagawa mo!" Sigaw niya. Nakasunod sakanya sila Caleb. Nginitian ko silang lahat. "Bakit mo sinaktan si Anya?"

Pumulupot si Anya sa braso ni Skie at bigla na lang siyang nagpaawa. "Babe, sinaktan na naman niya ako."

"Ano bang problema mo ha, Angel?"

"It's Beatrix, not Angel." Ngumisi ako at pinagmasdan ko si Anya at si Skie. "She deserves that. Sa mga ginawa niya sakin kulang pa yan. Wag kayong mag-alala, hindi lang naman si Anya ang pagbabayarin ko, lahat kayo magbabayad sa ginawa niyo sakin."

"Deserve mo din naman lahat ng 'yon dahil manloloko ka." Singit ni Enzo. "Pinagsabay ko si Caleb at si Kiro. Anong klase ka?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

What is he talking about?

"Angel pwede ba, tigilan mo na kami." Singit naman ni Luke. "Hindi ka naman namin ginugulo, eh."

Ang kapal ng mukha niyang sabihin yan. Hindi nila ako ginugulo? Kaya nga ako naging ganito ng dahil sakanila. "Don't act as if I'm the one being bad here. Kung ano man ako ngayon, dahil 'yon sa inyong lahat. No one can't stop me now."

"Let's just go Beatrix." Bulong ni Ashton. "They're just wasting our time."

"Uulitin ko, wala na ang Angel na nakilala niyo. Ako na ngayon si Beatrix at lahat ng sakit na pinaramdam niyo sakin ipaparamdam ko din sa inyo 'yon. Just wait and see."

Ngumisi ulit ako bago ko sila talikuran. Nagtama pa 'yong mata namin ni Caleb pero walang kahit na anong emosyon akong nakita sa mata niya. Kung ano man 'yong iniisip niya wala na akong pakialam don. The damage has been done and there's no turning back.

Inaya ko si Ailee at Ashton sa Tagaytay. Ilang oras lang naman 'yong byahe papunta don. Dalawang oras lang nandon na agad kami. Tumambay kami sa Tagaytay highlands. Kailangan ko ng hangin dito at dito ko na din sasabihin kay Ailee ang tungkol kay Skie. Hindi ko pa talaga pinagkakatawalaan si Ashton sa lahat pero kailangan niya din 'yon malaman. Wala na naman mawawala sakin kung malalaman niya ang tungkol don.

"Ex-boyfriend ko si Skie."

Nakatingin lang ako sakanilang dalawa. Gulat na gulat si Ailee sa mga narinig niya. Si Ashton, nakikinig lang sakin. Expected ko nang mangyayari 'to.

"Matagal na kaming magkakilala ni Skie and during fourth year high school, naging kami kaso nag migrate kami nila Daddy sa Canada kaya naging long distance relationship kami. After three years, nakipagbreak siya sakin ng walang kahit na akong dahilan. Sobra akong nasaktan ako. Nung naaksidente siya sa New York, nagkaroon siya ng amnesia at hindi na niya ako maalala, ako at ako lang 'yong hindi niya maalala sa lahat. Naisip ko nga siguro baka gusto na talaga niya akong kalimutan bago pa siya maaksidente. Hindi na ako nagpakilala ulit sakanya. Nag move-on na lang ako pero after one year, pinaki-usapan ako ng Daddy niya na bumalik dito para patinuin ulit si Skie katulad ng ginawa ko dati at 'yon duon na nagsimula lahat."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon