Chapter 32: Respect

379 8 1
                                    




Aga's POV

"Gutom ka ba?" Tanong niya.

Hindi ko siya pinansin.

Hindi ko siya papansin.

Pagkatapos niya akong bitinin kagabi? Tapos hindi pa siya natulog sa tabi ko?

"Nagugutom ka ba?" Tanong niya ulit.

Inirapan ko siya. "Nagugutom? We just ate breakfast before we leave the house. Tapos nagugutom?"

Kakadating lang namin ng Bar dito na kami dumiretso para tignan kung ano pang pwedeng ayusin at pagandahin for the final touch.

"Sungit. Nabitin." Mahina niyang sabi.

"Ano?" "Anong sabi mo?"

"Wala."

"Sige tawa pa."

Alam kong walang nangyari samin kagabi dahil nagising akong may saplot sa katawan. Di ba pag may nangyari sa inyo magigising kang walang saplot tapos pag mulat ng mata mo makikita mo siya nakangiti at tinitignan ka na para bang ikaw ang pinaka magandang nilalang ang nakita niya.

Tinitignan ko lang siya ng masama buong byahe dahil sa pagtawa niya. Titignan niya ko. Tapos tatawa.

"Hindi ko tinuloy dahil naisip ko bahay yun ng magulang mo. Hindi ko tinuloy dahil inisip kita." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang siyang nakatingin sa daan. "Bahay yun ng magulang mo. I need to respect their home. And there's you, I need to respect you too. Kahit pa gustong gusto kong may mangyari satin kagabi hindi ko ginawa because you're not in the right state of mind. Kung may mangyayari man satin I want you to remember every single detail ng mga gagawin natin, ng mga gagawin ko sayo."

Tinignan niya ako habang nakangiti. Inalis ko ang tingin ko sa kanya.

Napalunok ako. "Oo na."

"Pero I don't want you to think that just because we're official, we need to that. That you're obligated na isuko ang pride mo bilang babae. Wala kang kailangan isuko sakin para lang mapatunayan mong mahal mo ko dahil mahal kita kahit walang mangyari satin." Sabi niya at hinawakan ang kamay kong nasa hita ko. Napatingin ako sa kamay namin ng marahan niyang pisilin ito. "Pwera na lang kung gusto mo."

Mula sa kamay namin at dahan dahan ko siyang tinignan. And guess what? He's smirking. Nakakabwiset talaga siya. Pinalo ko ang kamay niya gamit ang isang kamay ko at binawi ang kamay kong kanina at hawak niya. Tinatawanan niya ako.

I crossed my arms. "Pakshet ka."

But deep inside, gusto ko rin tumawa. Guilty ako eh.

Gusto ko.

**

Pag dating namin sa Bar ay ayos na ayos na ito. Nathan and Erwin took care of the drinks and foods for this bar. Dahil sila ang may mga koneksyon dahil sila ang nasa food industry. Habang sila Jaise at Gale naman sa expenses and deals sa mga bagay bagay. While Paul and Jay took care of the security and technology. While John and I took the responsibilities for the Bar itself.

Never Been Taken Where stories live. Discover now