Chapter 1: Cupcake

2K 17 4
                                    



"Cupcake." Tawag sakin ng bespren ko.

Nandito kami ngayon sa condo niya at nanunuod ng paborito naming TV series, The Walking Dead. Ganito kami pag wala kaming trabaho. Pinapanuod namin ng sabay. Hindi kami nanunuod ng kanya kanya kahit may bago ng episode tuwing lunes hinihintay namin pareho ang araw na wala kaming pasok at pinapanuod ng sabay.

"Ano?" Tanong ko habang inuunat ang paa ko na kanina pa nasa ibabaw ng hita niya. Hinawakan niya ang paa ko at kiniliti.

"Pakshet naman eh." Sabi ko at ibinaba ang paa ko.

Tumawa lang siya. At inabot ang paa ko pero tinignan ko siya ng masama kaya tumawa na lang ulit siya. "Ayokong magluto. Kumain na lang tayo sa labas."

"Saan?" Tanong ko.

"Saan mo gusto?" Tanong niya.

Ang galing no? Tinatanong ko tapos sinagot ako ng tanong. Pero dahil nagustuhan ko ang tanong niya hindi na lang ako nagsalita at nag isip kung saan ko gustong kumain.

Nagmaneho siya papunta sa Maginhawa st. doon ko naisip dahil doon ako madalas kumain nun noong nag aaral pa ako sa UP matagal na rin ng huling magawa ako doon simula ng grumaduate ako. Tatlong taon na ang lumipas.

Graduate ako ng UP bilang isang Communicaion Arts o mas kilala bilang Masscom. Nagtatrabaho ako ngayong sa isang sikat na estasyon ng bansa bilang Showbiz reporter. At etong kasama kong lalaki ngayon ay ang matalik kong kaibigan na si Jay. Jay Heusaff. Kapatid siya ng isa ko pang matalik na kaibian na si Jaise Heusaff. Matagal na rin kaming mag bespren ni Jay. Laking ibang bansa siya at nung kalagitnaan ng college years niya umuwi siya ng pilipinas at dito nag aral. Kasama siya sa barkada namin at silang dalawa ni Gale ang isa ko pang matalik na kaibigan ang bunso ng barkada. Hindi naman sila mga bata. Matanda lang kami sa kanila ng isang taon.

"Mag bayad ka na." Sabi ni Jay pagkatapos naming kumain.

Agad akong napatingin sa kanya. "Ano?"

This is the disadvantage of having a guy best friend we want to go out to eat together but people assume we're a couple. But the advantage is we doing things alone, just the two of us without expecting anything but friendship mag bespren kami, babae at lalaki. Bihira 'yon alam ko. But we know our limitations. Matagal na kaming mag bespren at alam naming mag bespren lang kami. but to the onlookers, we appear to be an exclusive couple.

Pag pinagkakamalan kaming mag jowa hindi namin tinatama. Para saan pa? Ang mga tao ngayon mapagmalisya. Pag may nakita kang kasamang kaibigan lalaki boypren mo na agad yun. Pag may bespren kang lalaki hindi lang plain bestfriends and tingin nila an tingin nila friends with benifits. Nagtatawanan na bes pero may iba pang ginagawa. Ganun ang isip ng mga tao sa panahon ngayon. Kaya magaaksaya ka lang ng panahon para magpaliwanag dahil kung anong uso yun ang pinapaniwalaan. Kung anong naririnig yun na yon. Kaya kung ako sayo wag ka ng magpaliwanag sa mga sarado ang isip. Gagalitin mo lang ang sarili mo.

Ang mahalaga alam ng mga kaibigan namin at ng mga taong mahal namin at alam namin pareho kung ano kami. Kung ano lang kami. Bestfriends.

"Mag bayad ka na. Bayaran mo na." Sabi niya at tumingin pa sa mga pinagkainan namin,

Kunot noo ko siyang tinignan. "Bakit ako ikaw ang nagyayang kumain sa labas."

Never Been Taken Where stories live. Discover now