Chapter 12: Rehearsal

358 6 1
                                    



"Di ba sabi ko sayo tawagan mo ako pag kailangan mo ako?"

Andito ako ngayon sa condo ni Jay at sabay na naman namin pinapanuod ang bagong episode ng TWD na hindi pa namin napapanood dahil naging busy kami. Siya lang ang umiinom ng canned beer samantalang mineral water lang ang binigay niya sakin. I'm being addicted on alcohol na daw dahil lang nalasing ako kagabi.

Nalasing lang adik na?

"Eh nalasing eh."

"Bakit ka ba nagpakalasing? Tapos mag isa ka pa?" Sabi niya kulang na lang ay batukan niya ako but knowing him he won't do that.

"Kasi... basta." Mahina kong sabi at tinutok ang mata ko sa TV.

"Basta? Bestfriend mo ko tapos basta?" Pinatay niya ang TV. He's pissed.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa TV. "Kasi naman hindi mo naman maiintindihan."

"Tumingin ka sakin." Hindi ko pa rin siya tinignan. "Iintindihin ko."

Tumingin ako sa kanya. "I just miss my family para kasing nakalimutan na nila ko eh."

"What else?" Sabi niya.

Naramdaman ko ang pag init ng mata ko. "I miss you."

"You miss me? I'm just right here?" Sabi niya.

Hindi niya maintindihan.

"That's not what I mean. I mean I miss you being there always for me. Nung panahong single ka pa. But I'm not saying na maging single ka ulit. Because I'm happy for you that you found the girl that will make you take things seriously. You found your true love Ang sinasabi ko lang namimiss ko yung lagi kang andyan parang kapatid para nga di bang tayo ang magkapatid sabi ng ate mo?" Ngumiti ako at sandaling tumingin sa kisame para mapigilan ang sarili ko sa pag iyak. "I just miss being around someone that just like me na kilala ako lahat kasi kayo busy na sa mga gelpren at boypren niyo eh."

"Anong hindi ko maiintindihan dun?"

"Yan." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Nagtatanong ka kasi hindi mo ko naiintindihan. Do you know what I'm feeling this past few weeks? I feel so alone. Alam kong andyan kayo para sakin pero pakiramdam ko mag isa pa rin ako. Wala ang pamilya ko dito sa pilipinas, wala na rin yung bespren ko na lagi kong kasama, wala rin akong boypren na laging ipaparamdam sakin na mahal niya ko. Naiingit ako pag magkakasama tayo lahat kayo masaya lahat kayo may minamahal. Ako nagmamahal naman ako pero laging sa maling tao. Ayoko ng mag isa. Gusto ko ng mahalin. Ang lungkot ng ganito. Ang lungkot lungkot sa pakiramdam."

Niyakap niya ako. "Just make yourself busy. Tignan mo si Nathan."

Magkaiba kami.

"But he have his family."

"Wag mo kasing isipin ang mga bagay na alam mong magpapalungkot sayo." Tumango na lang ako. Hindi niya ko maintindihan. He can't relate on my situation because he's not alone, he's loved.

"Paano nga pala ko nakita?" Pag iiba ko ng usapan. Nagising lang kasi ko kanina na nasa apartment na ako samantalang naalala ko kung saan lugar ako nawala sa katinuan. Nagising akong wala ng tao pero may iniwan na gamot at pagkain sa lamesa si Jaise. She's really sweet. Alam kong si Jay lang ang makakahanap sakin kung sakaling mawala ako ng walang pasabi dahil he knows how to track phones.

Never Been Taken Where stories live. Discover now