Chapter 8: White shirt

419 6 0
                                    


John's POV

"Please put on your seatbelt we are landing in a few minutes..."

Nag lagay na ako ng salamin ng palapag na ang eroplanong sinasakyan ko. Ako nga pala si John Gutierrez. Isa akong sikat na modelo sa ibang bansa. Artista naman ako sa sarili kong bansa. Noon. Tatlong taon na ang nakalipas ng bitawan ko ang pagiging artista. Ngayon ay bumalik ako hindi para mag balik loob sa pagiging artista. Bumalik ako para sa kasal ng pinsan ko. Si Erwin Jackson. Ang pinaka paborito kong pinsan. Kaya naman hindi ko papalagpasin ang kasal niya.

Paglabas ko ng eroplano ay tinakpan ko ang ulo ko gamit ang suot kong hoodie. Alam kong makikilala pa rin ako kahit nakasalamin ako at nakatakip ang ulo dahil malaki akong tao. Alam kong inabangan ng media ang pagdating ko noong isang linggo ang sabi araw araw silang nandito pero ngayon kampante naman akong walang media dahil sinadya ko talagang hindi ipaalam ang pagdating ko. Hassle kasi. Nakasakay ako ng taxi ng walang gumugulong media sakin pero may mga tao lalo na babae na nakakilala sakin sino ba namang hindi sa ganda kong lalaki ay paniguradong maraming nakakakilalang babae sakin lalo na sa mga babae dito sa pilinas na bihira makakita ng gwapong tulad ko.

Bumaba ako sa isang magarang hotel kung saan nagtatrabaho ang pinsan ko. "Can I see Mr. Jackson?" Tanong ko sa receptionist.

May ginagawa daw si Erwin para sa gelpren nito at ang bilin daw ay wag siyang iistorbohin kaya naman wala akong nagawa kundi umupo na lamang sa isang upuan sa lobby para hintayin siya. Walang ibang tao sa lobby kaya naman kampante akong walang baliw na fan na bigla na lang akong hahawakan sa abs o hahalikan na lang bigla. Sumandal ako sofa at pumikit dahil medyo nahihilo ako.

"Pakshet."

Naramdaman kong may umupo sa likuran ko. At alam kong babae siya. Umiiyak eh. Babae lang naman ang mahilig umiyak kung saan saan.

"Miss." Tawag ko sa kanya habang nakapikit. Damn this jetlag.

"Pakshet talaga." Sabi niya at biglang umiyak ng malakas.

"Pwede bang wag kang maingay?" Hinilot ko ang noo ko.

"Ano bang pakialam mo kung umiiyak ako?" Sabi niya habang umiiyak ng malakas.

Seryoso ba siyang ganyan siyang umiyak?

Parang ewan.

Minulat ko ang mata ko at nagsalita. "Wala akong pakialam kung umiiyak ka pero kung iiyak ka pwede bang wag sa pampublikong lugar mag hanap ka ng pribadong lugar kung iiyak ka man wag kang umiyak sa harap ng maraming tao na wala namang pakialam kung bakit ka umiiyak."

Minsan kasi ang mga tao dito sa pilipinas hindi naman talaga concern sa kapwa nila minsan para lang sa chismis.

Biglang huminto siya sa pag iyak pero hindi ko siya tinignan dahil baka mamaya ay makilala niya ang isang gwapong tulad ko. Sigurado akong isa siyang baliw na babae lalo na kung ganyan umiyak parang ewan.

"Pakshet ka pala eh kung wala ka namang pakialam eh wag kang mangielam." Sabi niya sa galit na boses.

Oh, oh.

Hindi ko dapat patulan ang baliw na babaeng to. Wala akong mapapala sa baliw.

"Miss umalis ka na lang hindi mo ba nakikitang nagpapahinga ko?" Sabi ko at pumikit na ulit. Mukhang nanibago ang katawan ko sa haba ng byahe. Matagal na rin kasi ng nakauwi ako ng pilipinas dahil naalala ko lang ang mga magulang ko dito kaya hindi muna ako bumalik ng ilang taon.

"Bakit hindi ikaw ang umalis at kumuha ng kwarto? Alam mo naman siguro na nasa hotel kang pakshet ka." Naramdaman ko na lang na may humampas sa mukha ko. Anong karapatan ng isang baliw na babaeng tulad niyang hampasin ang puhunan ko. Tumayo ako at inayos ang salamin kong muntik ng malaglag dahil sa pag hampas niya. "Nasa hotel ka kung gusto mong magpahinga at walang maingay kumuha ka ng sarili mong kwarto hindi yung nagpapaalis ka hindi mo naman pag aari tong hotel na to. At para sabihin ko sayo nasa loob ka netong hotel hindi mo na kailangan mag salamin dahil walang araw dito." Binato niya ko ng unan sa mukha. "Mukha kang tanga eh." Sabi niya at nag walk out.

Never Been Taken Where stories live. Discover now