Chapter 27: Flight

340 10 0
                                    





Aga's POV

Nagising ako at agad kinuha ang cellphone ko na napunta na sa paanan ko. Kinuha ko yun gamit ang paa ko papunta sa kamay ko tinignan ko agad ang mga kung sinong ng mga nag text pero walang pangalan 'John' ang lumabas.

Napatingin ako sa mga text nila Faye, Rachel at Kenny. May bago na namang balita. Napangiti na lang ako ng pilit.

Hindi na ako apektado pero gusto ko pa ring saktan yung gago kong ex. Ang kapal ng mukha niya.

Marami na akong narinig sa kanya, marami ng nag babala sakin. Pero pinagpatuloy ko pa rin kasi akala ko mababago ko siya akala ko mahal niya ko. Alam ko naman eh, naramdaman ko naman na hindi, pero pinagpatuloy ko pa rin. Ipinilit ko pa rin. I'm so pathetic looking for love. Instead of waiting for it. Masyado kasi akong atat eh. Eto tuloy ang napapala ko.

Maybe he broke my heart, Maybe he wanted me, maybe he didn't. Maybe he was jerk, maybe he is the greatest guy I've ever met kahit hindi totoo yung mga pinakita niya.

The situation doesn't matter. My heart could be full or broken, steady or shaken. Pieced back together, or shattered all across the memories of him I've been forced to leave behind.

No matter what's happening to me now. No matter how happy or how sad I am or how confident or how lost I feel I am whole without him. That's what John teach me. That I don't need anyone to be whole.

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinagot. Ano kayang nangyayari dun? Kadalasan naman lagi niyang sinasagot ang mga tawag ko kahit anong ginagawa niya o kung nasan siya.

Bahala nga siya ang arte niya. Kung hindi masungit ang arte.

"John." I said as the door opened.

He smile at me. "Good morning Aga."

"Morning." I said with a half smile. I though it's John but it's Dominic. "You must be his fiancé?"

Andito na ako ngayon sa pansamantalang office ng ginagawang bar. Actually malapit ng matapos ang bar kailangan na lang pinturahan at bumili ng mga gamit. Ngayon ang meeting namin sa interior designer na fiancé ni Dominic. Yes, he's our engineer and his soon to be wife is our interior designer.

Isang oras na ang lumipas wala pa rin si John kaya naman ako na lang muna ang nakipagmeeting sa kanila. May alam naman ako kahit papaano sa magagandang design because of my background in photography. Habang nasa meeting kami hindi ko maiwasan mapatingin sa kanila. Yung tinginan nila, yung mga bawat haplos nila, sa akbay at hawak ng kamay. Alam mong mahal nila ang isa't isa. Hindi ko na naman maiwasan maiingit.

Tama nga siguro sila tinakda akong maging matandang dalaga. Mga ikakasal na ang mga ka batch ko samantalang ako hanggang ngayon hindi pa rin nagkakaron ng masasabi mong boypren talaga.

"So I think we're done. That's not final though, we
need the architect's final decision." Sabi ko at nakipagkamay.

"Yes, I will email him everything we talked about. I will email you too as soon as he reply." Napatingin siya kay Dominic tapos sakin, "By the way I heard the news about you and
Dominic this morning."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. "I hope you two won't have a problem because of the rumors about me. Hindi ko naman lalandiin ang taong alam kong pagmamay ari na ng iba."

Never Been Taken Where stories live. Discover now