Chapter 15: Trip

349 8 0
                                    



Pag dating namin ng simbahan ay hinanap ko agad yung bwiset na lalaki. Taas noo ko siyang hinanap.   Nararamdaman ko din ang tingin ng ibang tao sakin kaya naman lalo akong nagkalakas ng loob para hanapin yung bwiset. Nakita ko siyang nakatayo na parang estatwa at nakalagay ang kamay sa bulsa ng pangbaba niya. Ang gwapo gwapo niyang tignan. Kahit naka tayo lang siya at walang ginagawa picture perfect talaga siya hindi na ko nagtaka kung bakit sikat siya sa ibang bansa.

Binungo ko siya para man bwiset hindi lang naman siya ang pwedeng mang bwiset di ba?

"What the hell?" Sabi niya at napatingin sakin.

Nginitian ko siya. Ngiting nangbwibiset. "Nasa simbahan tayo wag mong mabangit bangit ang tirahan mo dito."

Kumunot ang noo niya. "What the?"

Tinawanan ko lang siya at umikot sa harapan niya para ipakita ang suot ko at ang sarili ko. "How do I look? Maganda ba?"

Tinignan niya ako hanggang sa mawala yung kunot ng noo niya. Tapos tinitigan niya ang mukha kong ngiting ngiti nag beautiful eyes pa ako para may effect. Biglang kumunot ang noo ko ng bigla siyang tumawa.

Anong nakakatawa?

"Pwede na." Sabi niya at ngumiti.

Napatulala ako ng lumapit at tumabi siya sakin hanggang leeg niya na ako ngayong naka takong ako tapos pag wala hanggang kili kili.

Bakit ba ang tangkad niya?

Bakit ba ang liit ko?

Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa harapan inilapit niya sakin ang braso niya na nagsasabing kaya naman umangkla ako doon. Pagkatapos ay naglakad na siya para pumunta sa pwesto namin paglalakad simula na pala.

Tumugtog ang wedding march at nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan na isipin ang sarili ko at ang lalaking makakasama ko sa harap ng altar. Nakikita ko ang sarili kong nakatayo sa harapan kasama ang lalaking makakasama ko habang buhay pero wala siya mukha, inisip ko ang mukha ni Daniel pero hindi eh, hindi ko makita. Kahit anong isip ko na kaming dalawa ang nasa harap ng altar hindi ko talaga maimagine.

"Don't imagine marrying that man." Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa harapan namin. "Hindi mo pa siya kilala. Don't marry because you don't wanna be alone because if that kind of man you'll marry sa huli magiging mag isa ka pa rin."

"Who said that I'm alone?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin. "I can see it through your eyes."

Ganun na ba kahalata? Yung mga nararamdaman ko? Yung mga emosyon ko? Ibinalik niya na ulit ang tingin niya sa harapan. Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil totoo naman malungkot pa rin ako sa loob loob ko kahit nandyan si Daniel, kahit may boypren na ako na totoong lalaki, malungkot pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko talaga alam.

"Umalis ka na habang kaya mo pa, habang hindi mo pa mahal." Sabi niya.

Ano?

Hindi pa mahal?

"Pakshet ka ba?" Tanong ko pero hindi na ako lumingon sa kanya at ngumiti dahil may mga camerang nakatutok samin.

Never Been Taken Where stories live. Discover now