Chapter 16: Bikini

334 6 0
                                    



Andito kami ngayon sa airport mas maaga ng isang oras na dapat andito kami. Ang plano kasi ay sasama kami sa honeymoon ng bagong mag asawa na sila erwin at ces parang outing na rin ng buong barkada ngayong kumpleto na kami.

"Anong ginagawa niyo dito?!" Sabi ni erwin ng makita niya kami.

Tinawanan namin siya habang papalapit siyang tumatakbo samin agad siyang dumiretso sa bespren niyang si nathan, "Gago ka tanda! Ikaw nag plano nito no?" tanong niya habang sinusuntok ang bespren niya.

"Surprise." Sabi ni Nathan.

Pero pinagsusuntok pa rin siya ng bespren niyang isip bata muntik na nga kaming awatin ng mga airport security kung hindi lang tumatawa yung dalawa at ang barkada.

"Mamaya na kayo mag bromance dyan baka maiwan pa tayo ng eroplano." Sabi ko ng marinig ko na tinatawag na ang mga pasahero ng eroplanong sasakyan namin. Tinignan ko si Erwin, "Ikaw din baka hindi ka makaiskor." Bulong ko.

Tulad ng inaasahan magkakatabi ang magjojowa kaya naman kami ni John ang magkatabi tulad ng una naming pagkikita hindi siya magsasalita kung hindi mo siya kakausapin.

Papunta kami ng Balesin ngayon. Doon kasi ang napiling lugar nila Erwin para mag honeymoon. Paglapag ng eroplano ay sabay sabay pa kaming napasigaw ng 'Balesin here we come' sobrang ganda kasi talaga kahit nung nasa itaas pa lang kami kitang kita ang puti ng buhangin at ang bughaw na tubig.

Pag dating ng mga maleta at bag namin ay kanya kanya na kaming kuha ng mga gamit namin at ngayon nga pinagsisihan ko na nagdala ako ng malaking maleta.

"Ang liit liit na tao kasi ang laki laki ng bagahe." Napatingin na lang ako kay John na buhat buhat ang malaki kong violet na maleta.

Pagdating namin sa resort ay kanya kanya na kaming check in pinabayaan na muna namin yung bagong kasal magkakasama kaming mga babae at magkakasama naman ang mga lalaki.

"Sa wakas fresh air." Sabi ni Gale paglabas niya ng teresa ng kwarto namin. Sinundan ko siya. Ang view ng lugar na to ay parang Maldives ganun rin ang kwartong kinuha namin yung nasa dagat. Pwedeng pwede na kaming tumalon kahit anong oras naming gustuhin. "Talon na tayo?"

"Mamaya na." Sabi ni Jaise habang nag aayos ng gamit niya. "Kumain muna tayo ng tanghalian panigurado gutom na yung mga yun."

"Mamaya na? Parang tatalon siya oh?"  Sabi ko. Hindi kasi marunong lumangoy si Jaise.

"Gutom lang yan." Sabi ni gale.

Nagtatawanan kami pero nakikita kong pangiti ngiti lang sa isang tabi si Hanna. "Hanna, wag kang mahihiya samin ah. Magkakaibigan tayong lahat dito."

Ngumiti lang siya. Mukhang mahiyain talaga siya at hindi makabasag pinggan. Yung tipo ng mga taong unang tingin mo pa lang ayaw mo ng gawan ng masama? Ganun. Ang amo pa ng mukha niya. Hindi na ko nagtaka na sila ni Jaise ang magkasundo bukod sa kapatid ni Jay si Jaise ay may pagkapareho pa sila n ugali.

Tulad ngayon nag palit na kami sinuot na namin ni gale ang two piece bikini namin samantalang naka one piece at shorts yung dalawa hanggang dun lang daw ang kaya nila. Pero dahil mapilit kami nag tanggal din sila ng shorts nila at nag one piece na lang.

"Wow." Yun agad ang sabi ng mga lalaki pagkalingon nila samin muntik na nga kaming matawa dahil bahagya pa silang mga nakanganga habang nakatingin sa mga gelpren nila ako naman napatingin dun sa bwiset dahil may gusto akong makitang reaksyon sa kanya nakatingin siya sa direksyon namin pero parang wala lang sa kanya.

Never Been Taken Donde viven las historias. Descúbrelo ahora