Chapter 7: Bitter

488 7 0
                                    




Pagkatapos kong malaman na sila ay naging bihira na ang pagkikita namin ng bespren ko. Hindi niya na rin hinahatid at sinusundo. May gelpren na siya at sa gelpren niya dapat gawin iyon. Minsan naiisip ko na kaya siguro hinahatid sundo niya ako noon dahil nararamdaman niya na bihira na kaming magkakasama pag naging sila na. Naiintindihan ko naman na bespren lang kami. I guess what makes me different from most girls is that I'm not the type to squeal all over you and I don't ask for your attention at all times. Hindi ko na rin siya tinatawagan kapag kailangan ko ng kausap, kasama o sadyang kailangan ko lang talaga siya. Ako na mismo ang nag adjust. I know what I want and I know how to get it but I don't hurt people along the way. Alam ko naman na kahit anong sabihin ko pagseselosan ako ng gelpren niya pag ganun pa rin kami tulad ng dati. Laging magkasama. Parang mag jowa.

Andito kami ngayon sa restaurant ni Nathan. Nathan Stokinger. Itong restaurant niya ang parang naging tambayan namin o kaya naman nandito ang barkada lagi pag may okasyon. Siya ang may restuarant eh. Siya ang may lugar. At hindi basta basta ang restaurant niya dahil nasa taas ito ng building.

"Kumpleto na ba?" Tanong ni Erwin. Erwin Jackson. The most annoying person I know.

Umirap ako sa hangin. At tumingin sa kanya. "Tatanong mo pa nakikita mo naman kung sino yung mga nandito."

"Kinakausap ka?" See? He's annoying.

"Sinong kinakausap mo?" Tanong ko pabalik.

"Yung pader." Tinuro niya yung pader sa likuran ko. "Pader Kumpleto na ba?"

Bakit ko nga ba naging kaibigan tong pakshet na to?

"Asan si Jay?" Tanong ni Paul sakin. Nag kibit balikat ako. Hindi ko alam. Baka kasama yung gelpren niya.

"Bespren mo hindi mo alam?" Sabi ni Erwin.

"Bakit ikaw alam mo ba kung nasan lagi si nathan?" Humaba ang nguso niya na parang bang may sasabihin siya pero dahil hindi niya rin naman alam lagi kung asan ang bespren niya hindi siya sumagot.

Hindi naman kasi porket mag bespren kayo alam mo na lahat ng ginagawa niya na kailangan niyang ipaalam lagi. Magkaibigan kami. Pero hindi kami. At sa mag gelpren at boypren lang ang ganun ang alam lagi kung nasaan at kung anong gagawin o ginagawa.

"Nag text si Jay." Napatingin kaming lahat kay Jaise.

"Anong sabi?" Sabay sabay tanong namin ni Erwin, Paul, at Nathan.

"Hindi siya makakapunta. Sinasamahan niya yung girlfriend niya. Nasa simbahan pa sila." Sabi ni Jaise at tumingin samin.

"Simbahan?" Tanong ni Nathan. Halata sa mukha niya na naguguluhan siya.

"Kumakanta sa simbahan yung girlfriend niya." Sabi ni Jaise at ngumiti. Nakilala niya na ang gelpren ni Jay pero ako hindi. Hindi pa kami nagkikita ni Jay simula ng maging sila.

Hindi si Jay yung tipo ng taong pala simba pero takot siya sa diyos. Hindi siya tulad ng ate niya na linggo linggo nagsisimba kasama ang boypren niya. Ngayon na sa simbahan si Jay at hinihintay ang gelpren niyang kumakanta sa simbahan. I know he's bored because that's not his thing. Pero naghihintay siya kasi mahal niya.

"Iba talaga nagagawa ng pag ibig." Sabi ni Erwin.

"Ano bang pag uusapan natin? Pag ibig?" Sabi ko. Hindi ko alam pero bigla kasi kong nainis ng marinig ang salitang yun tapos si Erwin pa ang nagsabi. Mas lalong nakakainis. Bigla siyang tumawa. "Walang nakakatawa."

Nakakainis talaga siya.

Iniisip niya sigurong bitter lang ako.

Hindi ako bitter.

Never Been Taken Where stories live. Discover now